• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasa Estados Unidos ngayon ang megastar na si Sharon Cuneta.

Sharon Cuneta, lumipad papuntang New York upang sorpresahin ang anak na si Frankie

Nasa Estados Unidos ngayon ang megastar na si Sharon Cuneta.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/03/2021 04:18 PM
Sharon Cuneta, lumipad papuntang New York upang sorpresahin ang anak na si Frankie
Photo Credit: @kakiep83 Twitter and @reallysharoncuneta Instagram

Lumipad mula Los Angeles si Sharon Cuneta papunta New York upang sopresahin ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan. 

 

 

Nitong mga nakaraang araw, ibinahagi ni Sharon ang pagpapaunlak niya sa kaarawan ng isang malapit na kaibigan. 

Labis na ikinatuwa ni Sharon ang pinuntahan niya lalo pa’t ganito umano ang gusto niyang mga klase ng pagsasalo. 

READ: Sharon Cuneta 'heartbroken' as daughter Frankie Pangilinan returns to New York

“Went to a wonderful birthday dinner last night in a house right on the beach. We were picked up by a limo service and brought there. As we exited our vehicle, we were welcomed by an awesome string quartet playing Earth, Wind & Fire’s ‘September!’” saad ni Sharon. 

Ani pa ni Sharon: “To have been able to see the sea and sand and just breathe in all that ocean air as a cool wind breezed, felt absolutely healing to the soul. Everything was just perfect.

“From what to me was the perfect crowd size, just the right number of people for a dinner party so memorable; the elegant but understated tablescape and strategically-placed candles and flowers, all in white!” aniya. 

 

 

Sa nasabing party, nagkita din sina Sharon at ang kapwa singer at Kapamilya star na si Martin Nievera. 

Saad ni Sharon: “And who should I bump into last night but Martin Nievera with his sweetie, Anj! Flown in from Vegas along with some of Doc’s closest friends just for the party, and flown right back there after! He (& other guests) didn’t immediately recognize me. They had to look twice, thrice, before finally saying, ‘Shaaaa!!! You’re soooo payat!’”

 

 

Samantala, ibinahagi din ni Sharon na lumipad siya papuntang New York upang sorpresahin ang kanyang anak na si Frankie. 

“On my way to New York this morning to surprise KAKIE!” ani Sharon. 

Sakto umano ang kanyang paglipad sa New York lalo pa’t itutuloy umano doon ang selebrasyon ng kanyang kaibigan. 

READ: Frankie Pangilinan moves back to New York City

“Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because he flies his friends wherever he wants! So I got to fly private again for the first time in years & slept so well for about 4 hrs! And I still would’ve come to NY for my girl even if I’d had to fly with a bird!”

 

 

 

Kasalukuyang nasa New York si Frankie upang mag-aral. Sa ngayon, wala pang ibinabahaging mga litrato si Sharon sa kanilang pagkikita ng kanyang anak.