Miss World Philippines, tuloy na tuloy na

Wala mang makakapigil pa sa next queen ng Pilipinas.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/03/2021 05:07 PM
Miss World Philippines, tuloy na tuloy na
Photo credit to @michelledee on Instagram

After all the delays, tuloy na tuloy na ngayong darating na Linggo, October 3, ang inaabangang Miss World Philippines.

Sa official statement ng Miss World Organization na uploaded sa kanilang social media accounts, all set na ang organization para koronahan ang mag bagong representative ng Pilipinas sa iba’t-ibang international pageants sa ilalim ng kanilang pamunuan.

 


 

Ayon sa statement sa Subic Bay Exhibition and Convention Center Hall A sa Subic, Olongapo City sa Zambales ang official venue.

Dahil na rin sa limitasyon ng Inter Agency Task Force, hindi rin papayagan ang malaking audience na maaring makapanood ng live sa venue.

Kaya naman, kahit nasa loob ng kanilang mga tahanan, maari pa rin magbigay ng suporta ang pageant fans sa pamamagitan ng KTX.ph for only 99 pesos.

As of this writing, puspusan na ang preparation ng 44 lovely candidates na all in na sa Subic Bay, Olongapo City.

Pito ang korona sa ilalim ng Miss World Philippines Organization kabilang na ang Miss Philippines Tourism, Miss Multinational Philippines, Reina Hispanoamericana, Miss Eco Teen Philippines, Miss Eco Philippines, Miss Supranational at ang prestigious Miss World Philippines.

Si Michelle Dee ang reigning Miss World Philippines na magpapasa ng titulo sa susunod na Miss World Philippines.