• Home
  • Fresh Scoops
  • Tatakbo si Jhong Hilario para sa kanyang ikatlong termino bilang konsehal ng Makati.

Jhong Hilario, muling tatakbo bilang konsehal ng Makati

Tatakbo si Jhong Hilario para sa kanyang ikatlong termino bilang konsehal ng Makati.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/03/2021 04:45 PM
Jhong Hilario, muling tatakbo bilang konsehal ng Makati
Photo Credit: @jhonghilario Instagram

Muling tatakbo bilang konsehal ng Makati ang aktor at TV host na si Jhong Hilario. 

 

 

Nag-file ng kanyang certificate of candidacy si Jhong noong Biyernes, ika-1 ng Oktobre.  

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jhong ang litrato kung saan kasama niya ang pamilya kabilang na ang kanyang mga magulang, partner, at anak na si Sarina. 

Makikitang ring nakasuot si Jhong at ang kanyang pamilya ng damit na kulay violet na kilala bilang kanyang “political color.” 

“Patuloy na maglilingkod bilang konsehal ng district 1 ng Makati. Team Ube! saad ni Jhong sa caption ng kanyang Instagram post. 

Tingnan ang post sa ibaba: 

 

 

Samantala, nagpakita naman ng suporta ang mga kasamahan sa It’s Showtime kabilang na sina Karylle, Vhong Navarro at Hashtags member na si Zeus Collins. 

“You look good in your political color a  ,” ani Karylle. Tugon naman ni Jhong: “I know right?! Hahaha Salamat K.”

“Good luck Sir,” komento naman ni Vhong. Ani naman ni Zeus: “TEAM UBE TAYO.” 

READ: Jhong Hilario bids ‘Its Showtime’ goodbye

Taong 2019 nang manalo si Jhong sa kanyang ikalawang termino bilang konsehal ng Makati. 

Kung sakaling palarin, ito ang magiging huling termino niya bilang konsehal ng Makati. 

Matatandaang siya ang isa sa may pinakamataas na nakuhang boto noong nakaraang eleksyon. 

Huling namang napanood si Jhong Hilario sa Your Face Sounds Familiar na nagtapos nitong taon. 

 

 

Pansamantala namang umalis si Jhong sa It’s Showtime upang mas mapagtuunan ng pansin ang kanyang pagiging ama sa anak na si Sarina.