• Home
  • Fresh Scoops
  • Christine Bermas stars in her launching film ‘Moonlight Butterfly’.

EXCLUSIVE: Newbie sexy star Christine Bermas thrilled to be paired with Albie Casino and Kit Thompson

Christine Bermas stars in her launching film ‘Moonlight Butterfly’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/03/2021 01:47 PM
EXCLUSIVE: Newbie sexy star Christine Bermas thrilled to be paired with Albie Casino and Kit Thompson

Tapos na ang shooting ng launching movie ng newbie sexy star na si Christine Bermas titled Moonlight Butterfly na kinunan sa Angeles, Pampanga nitong huling linggo ng September. Ang pelikula ay sinulat ni Eric Ramos at idinirek ni Joel Lamangan, ang tambalang nasa likod ng award-winning films na Rainbow Sunset at Isa Pang Bahaghari.

Leading men ni Christine sa pelikula ang Kapamilya hunks na sina Albie Casino at Kit Thompson na napapanood ngayon sa Kapamilya series na La Vida Lena. Pero very significant din ang role ni Ivan Carapiet na isang character actor sa pelikula.

READ: Kit Thompson on competing with younger artists: ‘Hindi naman tayo bumabata’


Ayon kay Christine, matagal na talaga niyang gustong mag-artista at pasukin ang  showbiz.

“Noon ko pa po pangarap mag-artista, and naghihintay lang din po talaga ako ng time.  May mga time at chance po tayo na dapat hintayin,” paniwala ng dalaga.

“Sixteen years old po ako nang sumali sa Circle of 10 contest sa Palawan, at doon po ako na-discover,” kuwento ng 19-year-old newcomer sa PUSH.

Si Christine ay dating member ng all-female sing and dance group na Belladonnas. Taga-Palawan ang dalaga at doon na rin siya na-discover ng kanyang manager.

Hindi naitago ni Christine ang excitement na magbida sa pelikula at makakatambal sina Albie at Kit.

READ: Albie Casino reveals why he moved into JM De Guzman’s condo

“Sobrang excited po akong gawin ang project na ito, kasi first time ko po ito. Nakaka-excite din na ang gagaling ng mga artistang katrabaho ko – sina Kit at Albie. Kinabahan po ako nung simula ng syuting pero naging very supportive naman po silang lahat agad pati si Direk Joel,” sabi ulit niya.

At bilang paghahanda sa mga maseselang eksena ni Christine sa Moonlight Butterfly kung saan gaganap siya bilang isang dancer at prostitute ay kinarir niya ang panonood ng mga pelikulang puwedeng makatulong sa kanya.

Lahad niya, “Pinanood ko yung Burlesk Queen ni Ms. Vilma Santos. Para naman sa matinding love scenes, pinanood ko rin ang Just A Stranger nina Anne Curtis at Marco Gumabao, 50 Shades of Grey, at 365 Days."

“Noong nabasa ko yung script ng Moonlight Butterfly, yung pagiging breadwinner sa story, medyo related siya sa akin sa personal. Medyo na-shock lang po ako sa ibang mga eksena kaya talagang pinaghandaan ko.

“Hindi naman kasi ako beterano sa mga sexy scenes kaya siyempre malaking tulong yung mga pinanood ko. May nagsa-suggest na manood daw ako ng porn pero sa tingin ko di naman na kailangan,” natatawa niyang reaksyon.

Ayon sa narinig naming feedback sa production team ng pelikula ay naitawid naman daw nang maayos ni Christine ang kanyang mga eksena.

Reaksyon dito ng dalaga, “Ginawa ko po lahat ng kaya kong gawin at kaya kong ipakita. Ayoko kasing sayangin yung chance na ibinigay sa akin ng producers at direktor ko kaya kung anong ipagawa sa akin buong puso kong ginagawa.

Samantala, bago itong launching movie ni Christine ay nauna na niyang ginawa ang pelikulang Pola (Red Earth) ni Direk Brillante Mendoza na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes. Kasama rin siya sa isa pang pelikula ni Lamangan, ang  Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa.