• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex-PBB housemate Andi Abaya showcases singing prowess in ‘Caught In The Act’ OST.

EXCLUSIVE: Andi Abaya admits she was once not confident about singing

Ex-PBB housemate Andi Abaya showcases singing prowess in ‘Caught In The Act’ OST.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/03/2021 11:13 AM
EXCLUSIVE: Andi Abaya admits she was once not confident about singing
Photo Credit: @iamandiabaya Instagram

Papasukin na rin ng former Pinoy Big Brother housemate na si Andi Abaya ang pagkanta. Bida ang dalaga sa upcoming youth-oriented mystery thriller na Caught In The Act at isa siya sa mga singers ng original movie soundtrack ng naturang pelikula.

Inner Love ang title ng OST album ng Caught In The Act na merong six original songs na gagawan din ng iba’t ibang music video ni Direk Perry Escano na direktor din ng pelikula. The OST will be distributed by ABS-CBN Star Music on all digital platforms such as Spotify, Itunes of Apple, Tiktok, YouTube, and Deezer.

Ayon kay Andi, bukod sa pagiging artista, nagkaroon siya ng confidence na pasukin ang singing nang pumasok siya sa bahay ni Kuya at maging 2nd Big Placer ng Pinoy Big Brother Connect.


“Well, dati po kasi hindi ako ganun ka-confident sa pagkanta until paglabas ko ng bahay. Before that sobrang nahihiya akong kumanta, iniisip ko na wala ako sa tono, hindi ako marunong  kumanta kaya hindi talaga ako confident.

“Nung pagpasok ko po sa bahay ni Kuya siyempre gusto kong i-pursue after no’n is yung acting ko kasi because I’ve always been so passionate about acting that’s why I did commercials in the past kaya naa-apply ko yung acting ko. But since na-discover ko naman na I can improve myself when it comes to singing, as much as I can.

“Alam ko naman na kaya ko rin and I’ll do my best na kakayanin to pursue both singing and acting now that I’m here. I don’t want to limit myself in one thing when  I can do and explore  a lot of other things sa industry na ‘to,” pagtatapat ng 19-year-old Star Magic artist sa panayam ng PUSH.

READ: Andi Abaya on fulfilling her dream of joining showbiz: ‘Ibibigay ko lahat ko’

Ibinahagi rin ni Andi kung sino ang kanyang musical influences at kung bakit “mapanakit” ang tunog ng kanyang boses.

 Aniya, “Actually, one of my favorite local artists is Moira dela Torre and Ben&Ben po. Sobrang favorite ko sila and I would listen to their songs. Ganung mga songs din po yung inaaral ko.”

Excited naman ang millennial fans ni Andi dahil finally maipapakita na rin ng kanilang idol ang talent nito bilang promising singer.

Ang mga kantang “Nariyan Ka Lang Pala” at “Tanging Hiling” ang bibigyang buhay ni Andi sa Caught In The Act OST. Ang iba pang kantang kasama dito ay ang “Sabihin Ko Na Ba?” (Bamboo B), “Huwag Muna Ngayon” (Jhassy Busran), “Huli Ka” (Alvin Barcelona) at “Ako Muna” (Aio Barcelona).

Samantala, dahil malapit na ulit magbukas ang PBB house ay ibinahagi rin ng dalaga ang lessons na natutunan bilang housemate na nagagamit niya ngayon sa showbiz.

Lahad ni Andi, “All the lessons I learned in Kuya’s house and the things that will really help me is to stay strong, na magpakatatag and maniwala lang sa sarili ko.  And I believe that if I continue to trust in myself and have confidence in myself I will be able to stay motivated and determined to give my all in this industry.”

Kasama din si Joaquin Domagoso sa cast ng Caught In The Act and will also be seen in the music videos of Andi’s two recorded songs “Nariyan Ka Lang Pala” and “Tanging Hiling”. Also in the cast are Karel Marquez, Lance Raymundo, Josh Lichtenberg, Shido Roxas, Ejay Panganiban, John Gabriel, among others.

Balak naman ng producers ng pelikula na isali ito sa 2021 Metro Manila Film Festival.