• Home
  • Fresh Scoops
  • Galing sa broken family si Andre Yllana at ayaw niyang maranasan ito ng kanyang future family.

Andre Yllana to his future family: ‘Kapag ako nag-anak hindi ko ipapadama yung hirap na naramdaman ko’

Galing sa broken family si Andre Yllana at ayaw niyang maranasan ito ng kanyang future family.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/03/2021 11:35 AM
Andre Yllana to his future family: ‘Kapag ako nag-anak hindi ko ipapadama yung hirap na naramdaman ko’

Ipinapangako ni Andre Yllana sa kanyang sarili na hindi raw matutulad sa nangyari sa ama niyang si Jomari Yllana at sa inang si Aiko Melendez ang magiging buhay niya kapag siya ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Ikinasal sina Aiko at Jomari noong July 23, 2000 pero nagkahiwalay din agad sila noong 2003.

As much as possible, isang buong pamilya ang gustong ibigay ni Andre sa kanyang magiging anak.

“Ako talaga, yan ang promise ko sa sarili ko. Na kapag ako nag-asawa o kaya pag nag-anak ako hindi ko ipapadama yung hirap na naramdaman ko sa magiging anak ko dahil alam ko po kung gaano yon kasakit,” paninigurado ng 23 years old na binata.


READ: Aiko Melendez turns emotional as son Andre Yllana graduates

Giit pa niya, “Pag ako nagkapamilya I will make sure na maaayos ko kung anumang problema, kailangang may oras ako sa anak ko, ganyan po.”

Pero nilinaw naman ni Andre na okey na raw ang relasyon nila ngayon ng ama. Hindi raw niya sinasabi ang lahat para i-discredit ito.

“Okey na kami ni daddy. We keep in touch na po unlike before na parang habol ako nang habol sa oras ni daddy,” matipid niyang reaksyon.

Si Andre ay nakausap ng PUSH sa ginanap na digital presscon ng Viva para sa bagong love team nina Andre at Ashley Diaz, anak ng aktor na si Joko Diaz.

Ano ba ang mas gusto ni Andre na makarelasyon – taga-showbiz o non-showbiz?

“Ako po kung sino po yung ibibigay ni Lord do’n po ako. Malay n’yo po si Ashley na po yon? Hindi po natin masabi,” biro pa niya.

Ibinahagi rin ni Andre kung ano ang ugali ng mama niya na kanyang hinahangaan at inaawayan din at the same time.

“Pinakahinahangaan ko pong trait ni mommy ay yung pagiging mapagbigay niya po.  Pero minsan, yon na rin ang ayaw ko sa kanya kasi po yung pagiging mabait niya nate-take advantage po ng ibang tao,” sabi niya.

Kamakailan lang ay nag-post naman si Aiko kung gaano ka-thoughtful ang kanyang panganay nung matanggap nito ang kanyang unang suweldo sa Viva.

READ: Aiko Melendez shares heartwarming story about son Andre Yllana and his first salary

Namana ang pagiging thoughtful sa unang sweldo sa Viva.

 “Share ko lang … Nung una sumuweldo si Andre Yllana alam nyo ba ano una nya ginawa? He treated the whole family for dinner. Tapos binilhan nya lola nya Elsie Castaneda ng apple watch.

“Sabi nya mama ano gusto mo? Sabi ko, anak tago mo muna mag ipon ka. Kapag naka ipon ka na dun mo na ako uli bilhan ng sa tingin mo pwede mo iregalo sa akin.

“And sagot ni Andre mama wag na mga bags ahhh. Sayang pera. Yes anak nagbago na ako simula ng pandemic di ko na aappreciate ang branded bags .

“And he asked again? Mama si Marthena (Jickain, ang kapatid ni Andre) ano kaya pwede ko iregalo sa kanya. Ganyan ka sweet at generous si Andre sa pamilya. Sabi nya mama kapag di na ECQ or MECQ or kapag totally wala na virus kapag pwede na lahat ililibre ko si tito Jay (Khonghun, ang nobyo ni Aiko) ahh.

“Naluha ako slight kasi di ko akalain lahat kami asa isip nya. Di man million pa kinikita ng anak ko pero likas sa knya ang pagka generous kaya alam ko Andre ibless ka ni Lord kasi di ka madamot,” bahagi ng post noon ni Aiko.

Pero alam n’yo ba na madamot noon si Andre ayon na rin mismo sa kanya.

“Siguro po growing up mas lalo akong natutong maging mapagbigay dahil po sa nakikita ko sa bahay. Kasi dati po kuripot ako lalo na sa candy. Hahaha!

“Hindi ako nagbibigay talaga ng mga candy-candy. Madamot ako sa ganun lalo na sa pagkain. Pero nung lumalaki na ako, yon po nakikita ko sa bahay na… yung pamilya po dahil yon nga po ang pinaka-branch ng pag-ibig so natuto po akong mag-share. Tapos siguro nakuha ko na rin po yung ugaling yon kay mommy kasi si mommy po ay napaka-thoughtful pagdating po sa mga ganyan lalo na sa mga anak niya,” huling pahayag ni Andre na isa sa cast ng Di Na Muli kasama ang ka-loveteam na si Ashley.