• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman, maraming natutunan sa kanyang bakasyon sa Siargao.

Yassi Pressman, may balak manirahan sa isla ng Siargao

Yassi Pressman, maraming natutunan sa kanyang bakasyon sa Siargao.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/29/2021 06:09 PM
Yassi Pressman, may balak manirahan sa isla ng Siargao
Photo credit @yassipressman Instagram

May balak pala si Yassi Pressman na manirahan sa isla ng Siargao pero hindi raw permanently kundi ilang buwan lamang. Ito ang ibinahagi ng aktres na bida sa ginanap na virtual media conference ng pelikulang More Than Blue.

Sobrang nag-enjoy kasi si Yassi sa Siargao nung nagbakasyon siya doon kamakailan lang dahil sa ganda ng beach at sa ugali ng mga local people na naninirahan doon. Sa Siargao din natutunan ni Yassi ang surfing.

“Tumira po, of course, for a couple of months lang siguro. Pero forever, I think I would have to still stay in my city because nandoon po yung pinakamamahal kong trabaho which is acting,” ani Yassi.


“Yung pagpunta ko do’n, that was nice kasi it was unplanned. I learned how to surf. And for me, that experience was amazing because gustong-gusto ko po yung bagong adventures. I love trying new things. I love challenging myself,” dagdag pa ng aktres.

Yassi Pressman shares how she takes care of her mental health: ‘I needed some time to get away’

Ibinahagi rin ni Yassi kung gaano ka-exciting at kahirap ang bagong adventure na in-explore niya sa Siargao island bilang isang surfer.

Kuwento niya, “Surfing is so hard. Sabi ko, akala ko athletic ako, hindi pala. Ang hirap. Everything hurt. And then yung sunburn pa. So inside your body, outside everything hurts. But I found myself going back every day. And I love the challenge.

“I saw the people. When you get to talk to a lot of local people, mas naiintindihan mo po yung kultura nila. Mas nae-explore natin yung mga island natin.

“I wanted to explore more of our own pride. And Siargao is the pride of surfing of the world—almost. It’s great to talk to people ng experiences nila.”

Ang More Than Blue na idinirek ni Nuel Naval na siya ring direktor ng top grossing Metro Manila Film Festival entry na Miracle in Cell No. 7, ay Pinoy adaptation ng South Korean hit movie na ipinalabas noong 2009. Leading man ni Yassi sa pelikulang mapapanood sa November 19 si JC Santos.

Ang More Than Blue na isang tear-jerker film ay istorya ng matinding sakripisyo para sa pagmamahal ng karakter nina K at Cream na kapwa ulilang  nakatira sa iisang tahanan pero walang romatikong ugnayan sa kanilang dalawa.

WATCH: Yassi Pressman, JC Santos in heartbreaking trailer of ‘More Than Blue’

Si K ay inabandona ng kanyang nanay nang mamatay ang tatay nito dahil sa kanser, habang si Cream naman ay namatayan ng buong pamilya dahil sa car accident.

“Hindi ito yung drama na pinipilit kang paiyakin. Ito po yung pag-ibig na sobrang light, sobrang ganda pero ang sakit. Kawawa ang viewers namin dito kasi bawat scene, pabigat nang pabigat.

“Ang daming layers na nilagay ni direk sa story. I was just so excited to do this kasi ito po yung isa sa mga dream ko ring gawin,” kuwento ni Yassi tungkol sa latest movie.

Ano ba ang most dramatic scene niya sa More Than Blue?

“May emotional scene kami ni JC na punumpuno na kami ng emotions sa loob namin, nasa throat ko na, nagcho-choke na ko, gusto ko na siyang ilabas, at di ko na kayang itago, pero dapat pigilin.

“After the take, kami ni JC, umiiyak pa rin kami pareho. Sabi ko kay Direk, hindi ko mapigilan, hindi ko kaya. Afterwards, nakatulog na lang kami sa sobrang pagod,” huling pahayag ni Yassi.