• Home
  • Fresh Scoops
  • Sabi nga nila, walang pinipiling nationality ang pag-ibig. Gaya na lamang ng mga celebrities na ito who are happily in a relationship with their foreigner partners.

Pinoy celebrities na may karelasyon na foreigner | Pushpins

Sabi nga nila, walang pinipiling nationality ang pag-ibig. Gaya na lamang ng mga celebrities na ito who are happily in a relationship with their foreigner partners.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/02/2021 08:00 AM
Pinoy celebrities na may karelasyon na foreigner | Pushpins
Photo credit to @piawurtzbach, @bela, @kaladkaren and @lovipoe Instagram

Sabi nga nila, walang pinipiling nationality ang pag-ibig. 

Gaya na lamang ng mga celebrities na ito who are happily in a relationship with their foreigner partners. 

Sinu-sino sila?   


Let's find out.

 

Pia Wurtzbach & Jeremy Jauncey 

 

 

Unang isinapubliko nina Pia Wurtzbach at half-Scottish, half-Colombian boyfriend nitong si Jeremy Jauncey ang kanilang relasyon noon June 2020. 

The two shared sweet photos of them together last December 31, 2020 to celebrate their first anniversary. 

Madalas man mag travel together ang dalawa ay kadalasang long-distance relationship ang kanilang pinagdadaanan. 

Si Jeremy ay founder at CEO ng isang travel agency kaya sa iba't ibang lugar siya nakabase. 

Samantala, sa Pilipinas naman nakabase si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 

 

Bela Padilla & Norman Bay 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

 

Bela Padilla has kept mum about the details of her relationship with Swiss-Italian Norman Bay. 

Unang ipinakilala ni Bela sa publiko ang boyfriend nang magpost ito noong October 2020 ng kanilang litrato na kuha sa Cappadocia. 

Sa caption ay sinabi nitong "The one I met in St. Gallen.” Kalaunan ay ipinaliwanag niya sa isang interview na nagkakilala sila noong 2017 while filming her movie Meet Me In St. Gallen. 

KaladKaren & Luke Wrightson 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren)

 

Sa isang vlog ay ibinahagi ng impersonator na si KaladKaren na taong 2012 nang makilala niya ang kanyang British boyfriend na si Luke Wrightson. 

Matapos maging magkarelasyon for eight years ay nagpropose noong September 2020 si Luke kay KaladKaren. 

KaladKaren recalled this night and described it as "one of the nights that I would never forget in my life." 

Samantala, nasa United Kingdom ngayon si KaladKaren kung saan nakabase ang fiancé na si Luke. 

 

Lovi Poe & Monty Blencowe 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

 

Nasa long-distance relationship naman ang aktres na si Lovi Poe at British boyfriend na si Monty Blencowe na nakabase ngayon sa Amerika. 

Busy ngayon sa kanyang career si Lovi sa Pilipinas, samantalang busy din si Monty bilang movie producer sa US. 

September 2019 nang isapubliko ni Lovi ang kanilang relationship. 

The two have also shared their vacation photos when they were in the US and Europe, and when Monty visited the Philippines in 2019. 

See more photos of these adorable couples in this episode of Pushpins.  

What can you say about our lovely couples?