• Home
  • Fresh Scoops
  • May kasabihang "Love knows no boundaries" na totoo naman, especially for these celebrities na nahanap ang kanilang "forever" kasama ang kanilang foreigner partners.

Pinoy celebrities who are married to foreigners Part 2 | Pushpins

May kasabihang "Love knows no boundaries" na totoo naman, especially for these celebrities na nahanap ang kanilang "forever" kasama ang kanilang foreigner partners.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/30/2021 10:00 AM
Pinoy celebrities who are married to foreigners Part 2 | Pushpins
Photo credit to @inaraymundo95, @primeirelles, @patriciajavier1 and @gorachelleann Instagram

May kasabihang "Love knows no boundaries" na totoo naman, especially for these celebrities na nahanap ang kanilang "forever" kasama ang kanilang foreigner partners.

Magkaiba man ang nationalities ay na-maintain nila ang kanilang romance na nauwi sa "I do."

Sinu-sino sila?  


Let's find out.    

Ina Raymundo & Brian Poturnak

 

 

18 years nang ikasal ang mag-asawang sina Ina Raymundo at Canadian-Ukrainian husband nito na si Brian Poturnak. 

Taong 1999 nang unang magkita ang dalawa after being introduced by their mutual friend. 

Sa isang Instagram post ni Ina ay ibinahagi nito ang isang photo na kuha mula sa kanilang first date noong June 17, 2000. 

Ina and Brian are parents to five children named Erika, Jakob, Mikaela, Anika, and Minka. 

 

John Estrada & Priscilla Meirelles 

 

 

Naging couple sina John Estrada at Brazilian beauty queen Priscilla Meirelles noong 2007. 

Nauwi sa kasalan ang relationship ng dalawa noong February 2011 na ginanap sa isang beach wedding sa La Union. 

Ipinanganak ni Priscilla ang kanilang anak na si Sammantha Anechka noong February 2012 at ngayon ay nine years old na. 

Samantala, si John naman ay may apat na anak sa dating asawa na si Janice De Belen. 

 

Patricia Javier & Rob Walcher 

 

 

It was in 2003 when Patricia Javier and American chiropractor Robert Walcher met in San Diego, California. 

Unang ikinasal ang dalawa noong 2005 sa county court sa San Diego. Makalipas ang dalawang buwan ay ikinasal sila sa pangalawang pagkakataon. 

Last year ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang 15th wedding anniversary na mayroong Vikings theme. 

Mayroon ng dalawang anak ang mag-asawa na sina Robert at Ryan James. 

 

Rachelle Ann Go & Martin Spies 

 

 

Sa isang vlog ibinahagi ni Rachelle Ann Go na una silang nagkakilala ng South African-born, American-raised businessman na si Martin Spies taong 2017. 

Their relationship blossomed and got married a year after, noong April 2018 in Boracay. 

Ipinanganak ni Rachelle ang una nilang anak noong March 2021 na si Lukas Judah. 

See more of their adorable photos together in this episode of Pushpins. 

What can you say about our lovely couples?