• Home
  • Fresh Scoops
  • May dahilan si Rita Avila kung bakit nagiging very vocal siya sa pagsasabi ng kanyang opinion.

Rita Avila on being vocal about certain issues: ‘Hindi ka kailangang maging bastos’

May dahilan si Rita Avila kung bakit nagiging very vocal siya sa pagsasabi ng kanyang opinion.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/28/2021 04:03 PM
Rita Avila on being vocal about certain issues: ‘Hindi ka kailangang maging bastos’
Photo credit to @msritaavila Instagram

May dahilan ang aktres na si Rita Avila kung bakit nagiging very vocal siya nitong mga huling araw sa pagsasabi ng kanyang opinion at saloobin tungkol sa mga isyung pinag-uusapan sa bansa kabilang na ang pulitika.

“Kasi alam mo, siguro sa edad ko, gusto kong mag-share ng kung anuman yung naiisip ko na mabuti. Kasi ang dami-dami ng mga kabataan ngayon na talagang sarado na yung isip, mali yung mga alam nila. Hello!” katwiran ni Rita.

Patuloy ng aktres, “Ako, siguro umiiral yung pagiging matandang nanay ko na gusto kong magsalita. Kasi normally, tahimik naman ako talaga.”


READ: Rita Avila, hiniling na respetuhin siya bilang beteranang artista

Wala rin daw siyang pakialam sa kung anuman ang sasabihin ng iba.

“Magalit na silang lahat sa akin. Basta ako, gusto ko ring maging ehemplo na hindi ka kailangang maging bastos kapag nakikipaglaban ka or nag-post ka sa social media ng damdamin mo,” sabi pa niya.

Nakausap ng PUSH si Rita sa ginanap na virtual storycon ng pelikulang Walker na pagbibidahan din nina Sunshine Dizon, Edgar Allan Guzman, at Allen Dizon mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Sa Walker ay gaganap si Rita ng character ni Dolores na isang dating prostitute.

Ayon sa dating Ang Iyo Ay Akin star, three years ago pa ng huli siyang gumawa ng pelikula.

“I’ve been telling friends nga na, ‘Uy, bakit hindi ako nakukuha sa mga indie, gusto ko naman.’ Eh, siguro nga yung kakulangan nung ilang taon na yon binuhos ng Diyos ngayon kasi talagang nagdadasal ako na makagawa ng magandang pelikula.

“Matagal-tagal akong hindi gumawa ng pelikula. Kaya pagtawag sa akin ni Direk Joel, ni hindi ko na natanong kung ano yung role ko. Kasi, parang… Direk Joel, may pelikula! Ha! Ha! Ha!” excited na kuwento ng aktres.  

READ: Rita Avila proud to work with her director husband FM Reyes: ‘Maingat kami na mapagbintangan ng kung anu-ano’

Dahil sa bagong film project ay hindi na rin daw muna niya itinuloy ang naka-schedule sana niyang bakasyon.

Kuwento ni Rita, “Alam ni Direk Joel yon, naka-book ako for a vacation. Pero inisip ko, ‘Ano, kung nakahiga ako sa buhangin, eh, anong klaseng konsensiya meron ako na pinakawalan ko ang napakagandang script at mga co-stars ko.’ At yun na nga, Direk Joel pa.”

Dinidemand ng role ni Rita sa pelikula ang magbitiw ng malulutong na mura at malalaswang salita at handa raw siyang gawin ito.

“Kailangang banggitin. Actually, nakaka-excite. Kasi, yon yung… para sa isang artista, ang gumanap ng isang karakter na malayo talaga sa tunay na buhay, yon talaga yung challenge, di ba?

 “Kaya okey na okey sa akin. May mga iba na natatawa ako. Yung iba, talagang tinatandaan ko. Kasi, yung bastos talaga na hindi ko naman talaga sinasabi araw-araw, ganyan!” natatawang pahayag ng aktres.

 Nagsimula nang magsyuting ang cast ng Walker na kinabibilangan din nina  Elora Españo, Alex Agustin, Barbara Miguel, Dave Bornea, Tabs Sumulong, Jim Pebanco, Dincent Lujero, Rico Barrera, AJ Oteyza (dating Neil Suarez), at Dorothy Gilmore.

Sa November ay may gagawin namang bagong teleserye si Rita sa ABS-CBN.