• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita si Cristy Fermin laban sa mga iniwang salita sa kanya ng ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco.

Ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco, bumanat; Cristy Fermin, sumagot

Nagsalita si Cristy Fermin laban sa mga iniwang salita sa kanya ng ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/28/2021 06:55 PM
Ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco, bumanat; Cristy Fermin, sumagot

Matapos ipagtanggol ni Liezl Sicangco ang kanyang anak na si Kylie Padilla sa mga paratang ni Cristy Fermin, nagsalita naman ang kolumnista at batikang radio host tungkol sa aktres. 

 

 

Matatandaang sinabi ni Lizel sa ngayo’y mga burado na niyang pahayag sa Twitter na one-sided umano ang mga komento ni Cristy patungkol sa isyu ng anak niya at ng dati nitong asawa na si Aljur Abrenica.

“Sobra ka na Cristy Fermin!!! Gawin kaya sa ‘yo yang pinaggagawa mo, siraan ka ng hindi totoo, gusto mo? Walang kalaban laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!!”

Kylie Padilla, may pasaring kay Aljur Abrenica?

“Di mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Magbago ka na bago ka pa bawian ng buhay,” ani Liezl. 

Sa programa ni Cristy, sinabi nito na palalampasin niya si Liezl alang-alang sa pagiging ina nito. 

“Eto lang masasabi ko. Nanay si Liezl Sicangco, nanay din ako. May mga anak kaming pareho. Sigurado kapag dalawang puso ang nag-usap, dalawang puso ng mga ina, magkakainitindihan. Natural anak niya si Kylie, ipagtatanggol niya,” ani Cristy. 

 

 

“Kung paanong aangat din ako kapag ang anak ko kailangan kong idepensa. Alangan naman ibang tao pa ang kampihan namin. Di ba. Kaya naiintindihan ko,” dagdag pa niya.

Kylie Padilla breaks silence: ‘Masaya ako and I will protect my happiness’

Bahala na ang husgado ng bayan ang bumalanse sa mga salitang ipinukol mo sa akin.”

Matatandaang nag-iwan din ng mensahe si Liezl para sa nali-link kay Aljur na si AJ Raval. 

“Wish you both all the best in life. Sana forever na kayong dalawa. Happy naman si Kylie para sa inyong dalawa at naka move on na rin siya at happy din siya. Sana ganon din yung source ni Cristy. Tama na bitterness nakaka wrinkles. Move on,” ani Liezl. 

Kylie Padilla at Cristy Fermin nagsagutan dahil kay Aljur Abrenica

Naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Aljur at Kylie lalo na nang akusahan ng aktor ang kanyang dating asawa na una umanong nangaliwa sa kanilang dalawa.