• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ang Sarap Mong Patayin’ star Lassy Marquez reveals the difference between his encounters with men in different countries.

Lassy Marquez on meeting men abroad: ‘No money involved talaga as in ganda lang’

‘Ang Sarap Mong Patayin’ star Lassy Marquez reveals the difference between his encounters with men in different countries.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/27/2021 05:08 PM
Lassy Marquez on meeting men abroad: ‘No money involved talaga as in ganda lang’
Photo credit to @akolassy Instagram

With the trailer of his first starring role in Ang Sarap Mong Patayin now online, netizens have shared various reactions about Lassy Marquez’s intimate scene with co-star Kit Thompson whom he catfishes in the film.

“Ang dami talagang nagsasabi na ‘Sana all Lassy,’ parang ganun. Isang pribilehiyo din talaga ang makatrabaho ko ang isang napakaguwapo at napakahusay na aktor na si Kit Thompson at yung magawa namin yung ganung eksena, sobrang milestone talaga. Milestone? (laughs) Milestone for me na nagawa ko yung ganun for the first time as in. Ang sarap katrabaho ni Kit,” he said.

 


 

READ: Beks Battalion proud to be part of ‘Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso’: ‘It’s an honor talaga!’

Unlike co-star Ariella Arida who plays his best friend in the film, Lassy shared his reaction during his first encounter with Kit who is half-Filipino, half-Kiwi.

“Si Kit as in first time talaga. Nung nakita ko siya oh my God ang laking mama. Nag-storycon pa lang nung nakita ko siya sabi ko hala ang laki ni Kit. Tapos tinitingnan ko yung kamao, napakalaki. Baka masasapak ako talaga pag nagkamali ako, baka sapak agad. Pero hindi, napakabait ni Kit at napaka-professional. Ang daling kausap.

“Yung scene na mahirap sa akin actually yung may mangyari sa amin ni Kit eh. Nahirapan din ako dun kasi hindi ko alam yung nararamdaman ni Kit na habang ginagawa ko yun. Yung parang, ‘Ano ba ‘to nandidiri ba siya sa akin?’ Hindi ko alam yung feelings ni Kit. Yun yung medyo nahirapan ako. Kasi hindi ko alam kung ano yung naglalaro sa isip ni Kit. At saka mahirap din yung kausapin si Kit, kasi natatakot ako sa gagawin ko sa kanya. Kaya ako nakiusap, ‘Kit, puwede ba natin gawin? (laughs) Tinanong nga ni direk si Kit. Eh si Kit naman papayag. Tapos inutusan ako ni direk, ‘O Lassy ikaw naman magtanong kay Kit.’ So lumapit ako na puwede ko ba gawin ito? Tapos nung umoo si Kit, tumatakbo na ako kay direk, ‘Direk pumayag!’ Yun pala nag-usap na pala sila (laughs). So sinubukan lang pala ako,” he said.

READ: Lassy Marquez describes Kit Thompson’s private part as a ‘footlong’, admits taking advantage of the scene

Currently single in real life, Lassy said he has had encounters with men abroad and even revealed his most recent experience.

“Siyempre meron na. Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Meron naman talaga na guwapo talaga as in. Way back ito ng papasok ng year 2000 (laughs). So isa siyang American na doctor. Natatandaan ko na ang ganda ganda ko para sa kanya. And then pag nasa ibang bansa ako, sabihin ko na yung mga bansang maganda ako, US, Australia, sa Europe hindi masyado eh. Basta okay ako sa Australia. Sa Asian countries sakto lang. Lalo na sa Pilipinas parang hindi yata (laughs). Sa Middle East pasok kahit papaano. Pero yung mga Caucasian talaga dun ako pasok.

“No money involved talaga as in ganda lang. Lalo na sa Australia nung nag-Sydney kami, sa isang bar sa dance floor hinahanap ako ng mga bakla. Sabi bakit parang nagkakagulo sa gitna? Ako yung nasa gitna at yung isang nag-wo-work sa airline na foreigner. Yung ganitong itsura kasi exotic para sa kanila. Parang ganun. Sanay sila sa mga magagandang itsura pero kakaiba ito, parang ganun,” he recalled.

READ: Lassy Marquez on catfishing: ‘Actually, dalawa ang nangyaring ganyan sa akin’

 

 

With Ang Sarap Mong Patayin dealing with the issue of catfishing online and its many consequences, Lassy said he hopes audiences can learn to avoid the bad practices shown in the film by their characters.

“Lahat ng mga nangyari sa movie na it ay totoong nangyayari sa buhay ng tao. At kahit saan man sa mundo yan ay nangyayari talaga ito so my reality talaga sa pelikulang ito at siyempre huwag na huwag kayong mag-du-drugs dahil napakasama talaga. Lumalabas yung mga imahinasyon niyo na mali na akala niyo totoo tapos hindi pala. So walang maidudulot na maganda ang pag-du-drugs at manggamit ng imahe ng ibang tao para lang makapamera at siyempre para makuha mo yung gusto mong tao na gusto mong may mangyari sa inyo, yung ganun,” he added.

Sarap Mong Patayin is now available for streaming in Vivamax. Starring Lassy Marquez, Ariella Arida, and Kit Thompson. Directed by Darryl Yap.