• Home
  • Fresh Scoops
  • Best Actor si Carrot Man sa isang international film festival.

‘Carrot Man’ Jeyrick Sigmaton, wagi bilang best actor sa isang festival sa New York

Best Actor si Carrot Man sa isang international film festival.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/27/2021 10:06 AM
‘Carrot Man’ Jeyrick Sigmaton, wagi bilang best actor sa isang festival sa New York
Screenshot from Sine Cordillera YouTube Channel

Nagdala ng karalangan sa Pilipinas si Jeyrick Sigmaton o mas kilala bilang “Carrot Man” matapos manalo ito bilang best actor sa isang international film festival sa New York. 

Pinatunayan ni Jeyrick na kaya na pang-international ang kanyang aktingan matapos manalo sa pamamagitan ng short film na Dayas na umikot sa kwento ng mga small-scale miners sa Itogon, Benguet kung saan siya ang bida. 


Ang nasabing pelikula ay isinulat at idinirek ni Jialin Floresca. Samantala, i-prinoduce naman ng Sine Cordillera at Be Unrivaled Productions. Ipinalabas naman ito sa International Film Festival Manhattan Autumn 2021. 

READ: “Carrot Man” is now a fashion model

"We're very thankful to have the best actor award for Jeyrick Sigmaton. So in behalf of my actor and the entire cast of Sine Cordillera 'Dayas,' and also in behalf of all Igorots all over the world, bagi tayo daytoy (sa ating lahat ito),” saad ng direktor na si Jianlin.

Si Jeyrick ay unang nakilala ng netizens matapos kumalat online ang kanyang mga litrato na nagbubuhat ng mga carrots. Partikular na humanga ang mga netizens sa kanyang pagiging pogi. 

Dahil dito, sumikat si Jeyrick at nakilala din bilang isang fashion model.