• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinakilala na ng ‘TV Patrol’ ang mga dapat tutukan gagabi sa nasabing programa.

TINGNAN: Ang mga bagong mukha na dapat abangan sa ‘TV Patrol’

Ipinakilala na ng ‘TV Patrol’ ang mga dapat tutukan gagabi sa nasabing programa.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/26/2021 09:16 AM
TINGNAN: Ang mga bagong mukha na dapat abangan sa ‘TV Patrol’

May nawala man, may mga pumalit din na mga bagong mukha na magdadala ng iba’t-ibang nakakaaliw na kwento sa flagship program ng ABS-CBN News na TV Patrol.

Nitong nagdaang ika-25 ng Oktubre, inanunsyo sa TV Patrol na makakasama na sina Winnie Cordero, Boyet Sison, at Marc Logan na magdadala ng iba’t-ibang diskarte, kaalaman, at kwentong may kiliti sa TV Patrol.

READ: Kim Atienza, emosyonal na namaalam sa ABS-CBN


Sa pagiging parte nina Winnie, Boyet, at Marc, hindi lang mga makabuluhang impormasyon ang makukuha ng mga manonood kundi mga nakatutuwang kwento din mula sa kanila. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Kilala si Winnie Cordero sa iba’t-ibang mga programa nito sa dos lalo na ang Umagang Kay Ganda kung saan kasama ng mga Kapamilya ang batikang host sa bawat umaga at iba pang programa nito sa Teleradyo.

Samantala, si Boyet Sison naman ang isa sa mga pinakakilalang sportscaster sa bansa. Ilan sa mga programa niya na tinutukan ng mga sports fans ang Hardball ng ABS-CBN News Channel (ANC) at Fastbreak ng Teleradyo. 

Si Marc Logan naman ang marahil isa sa pinakakilala pagdating sa comical infotainment o mga nakakatawang kwento na may dalang kaalaman sa mga manonood.