• Home
  • Fresh Scoops
  • May kasabihang “Love knows no boundaries” na totoo naman, especially for these celebrities na nahanap ang kanilang “forever” kasama ang kanilang foreigner partners.

Pinoy celebrities who are married to foreigners Part 1 | Pushpins

May kasabihang “Love knows no boundaries” na totoo naman, especially for these celebrities na nahanap ang kanilang “forever” kasama ang kanilang foreigner partners.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/26/2021 12:42 PM
Pinoy celebrities who are married to foreigners Part 1 | Pushpins
Photo credit to @missizacalzado. @solenn, @isabelledaza and @ilovegeorgina Instagram

May kasabihang "Love knows no boundaries" na totoo naman, especially for these celebrities na  nahanap ang kanilang "forever" kasama ang kanilang foreigner partners.

Magkaiba man ang nationalities ay na-maintain nila ang kanilang romance na nauwi sa "I do."

Sinu-sino sila?  


Let's find out.  

 

Solenn Heusaff & Nico Bolzico

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

 

Sa kanilang web series na The SosBolz Love Story, ibinahagi ng dalawa na nagsimula ang kanilang love story matapos ang kanilang sixth unexpected meet up noong 2011.

Noong December 2014 ay nagpropose ang Argentinian businessman kay Solenn na isang Filipina-French, na ibinahagi ni Nico sa kanyang Instagram page at sinabing "Forever makes sense now."

Taong 2016 nang ikasal ang dalawa sa Eglise Notre Dame sa France.

Ngayon ay mayroon ng isang anak sina Solenn at Nico na si Thylane Katana na ipinanganak noong January 1, 2020.

 

Isabelle Daza & Adrien Semblat 

 

 

Unang nagkakilala sina Isabelle Daza at French husband nito na si Adrien Semblat noong 2008.

The two dated for 7 years before Adrien proposed to Isabelle back in February 2016.

Although Isabelle shared in her 2015 interview that she and Adrien started out on the wrong foot, nauwi pa rin sa kasalan ang relationship ng dalawa noong September 2016 sa Italy.

Ipinanganak ni Isabelle ang kanilang first son na si Baltie noong March 2018, at ang kanilang second son na si Valentin noong April 2021.

 

Iza Calzado & Ben Wintle 

 

 

Iza Calzado and British entrepreneur Ben Wintle met in 2011 during a magazine event where Iza was hosting.

The couple tied the knot at a Palawan resort in December 2018 matapos ma-engage noong October 2017.

Ibinahagi rin ni Iza sa isang interview na ang aktres na si Isabelle Daza ang nagpakilala sa kanilang dalawa na parehong single noon.

Iza also shared that she wants to experience getting pregnant and to deliver her own baby, at least once, but is also considering surrogacy.

 

Georgina Wilson & Arthur Burnand 

 

 

Sa isang interview ay ibinahagi ni Georgina na matagal na niyang kilala ang British guy na si Arthur Burnand dahil magkaibigan ang kanilang pamilya.

Unexpectedly ay muling nagkita ang dalawa noong 2015 sa Austalia kung saan nagsimula ang kanilang love story.

Sa isang magazine interview na inilabas noong May 2016 ay ibinahagi ni Georgina na she has been engaged for five to six months already.

Matapos ikasal noong April 2016 sa England ay mayroon na silang tatlong anak na sina Archie, Alfred Thor, at Charlotte Arabella.

See their lovely moments together in this episode of Pushpins. 

What can you say about our lovely couples?