Kylie Padilla gustong kausapin si AJ Raval

May payo si Kylie Padilla para kay AJ Raval.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/26/2021 12:04 PM
Kylie Padilla gustong kausapin si AJ Raval
Photo credit: @kylienicolepadilla and @ajravsss Instagram

Plano ni Kylie Padilla na kausapin si AJ Raval, ang inakusahan ng netizens na third party sa hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica.

“I actually wanted to talk to her kasi napagdaanan ko rin yan, yung bina-bash ako dahil nililigawan ako,” lahad ni Kylie.

“I wanted to talk to her to help her out on how to handle it para maiwasan lang yung nangyari ngayon. But my help’s not being asked so I will not give it na lang,” katwiran niya.


READ: AJ Raval, nag-sorry kay Kylie Padilla sa pag-share ng ‘Breaking Silence’ post ni Aljur Abrenica

Naiintindihan din daw niya kung ano ang pinagdadaanan ngayon ni AJ at ng dati niyang mister na hindi tinatantanan ng bashers.

Aniya, “I totally understand kung doon sila nanggagaling kasi siyempre, siya yung bagong nililigawan, eh. Naba-bash na sila. I’ve been on that side and I know how scary and confusing and sobrang nakakasira siya ng mental health, di ba?

“But I wish na iningatan na lang nila. They can’t blame me for that too because we had an agreement din that we can both see other people.”

Nagbigay din si Kylie ng maikling paalala kina AJ at Aljur.

“I wish you guys are more careful. Don’t blame it on me,” pahayag niya.

READ: ‘Nabugbog na ako!’ Dahilan ni Aljur Abrenica kung bakit naglabas ng controversial post tungkol kay Kylie Padilla

Samantala, iginiit ni Kylie na hindi naman niya pinagsisisihan na tinalikuran muna ang showbiz at mag-focus sa pagiging ina nung ipanganak niya ang panganay nila nila ni Aljur na si Alas.

“We were so good during that time. Sobrang yon yung pinaka the best times ng relationship namin because we’ve been together for ten years and married for three.

“Pero noong mga time na yun, inalagaan niya talaga ako. Na-appreciate ko siya as a husband, as a person, lalo na during those days. Ayaw ko kasing gawing negative lahat, eh.

“There were good moments din naman, eh. And I don’t want to throw them away kasi kahit paano, in my kids, there is still a part of their dad. I want to see their dad in a good way para, di ba, kapag nakikita ko yung mga anak ko, ‘Uy, tatay niyo yun, you should be proud,’” pahayag pa ni Kylie.

READ: Kylie Padilla sinagot si Aljur Abrenica: ‘I never had any extramarital relationships with other men’

Inamin din ng aktres ang mga naranasang sakit at sakripisyo noong panahong nagsasama pa sila ni Aljur.

Kuwento niya, “I suffered in silence, eh. I suffered really bad in February which is why nakapag-post ako. Ayokong mag-stay doon sa suffering and pain and hate kasi lahat ‘yan dinaanan ko. Naglasing ako. Lahat ng ginagawa ng nagmu-move on, I did it. But I did it in private para hindi sila (mga anak) gagaya.”

Muli ay nag-iwan ng mensahe si Kylie sa dating asawa.

“Huwag nating kalimutan to be parents sa mga anak natin and sana, ma-save pa natin yung friendship after this. Kung gusto nating mag-away or whatever, let’s do it in the right place, huwag na sa public. Yun lang hinihingi ko, please,” huling pahayag ni Kylie.