• Home
  • Fresh Scoops
  • Paalala ni Kylie Padilla kay Aljur Abrenica: ‘Wag natin kalimutan to be parents sa mga anak natin.’

Kylie Padilla sinagot si Aljur Abrenica: ‘I never had any extramarital relationships with other men’

Paalala ni Kylie Padilla kay Aljur Abrenica: ‘Wag natin kalimutan to be parents sa mga anak natin.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2021 01:24 PM
Kylie Padilla sinagot si Aljur Abrenica: ‘I never had any extramarital relationships with other men’
Photo credit to @ajabrenica and @kylienicolepadilla Instagram

Nagsalita na si Kylie Padilla sa akusasyon sa kanya ni Aljur Abrenica ng pangangaliwa base sa laman ng controversial na “breaking silence” post nito sa social media noong October 19. Sa interbyu sa kanya ni Jesica Soho ay tahasang itinanggi ni Kylie na nagkaroon siya ng ibang lalaki habang nagsasama pa sila ni Aljur. Unfair daw para sa kanya ang naturang paratang.

 In my defense, while we were formally married, I never had any extramarital relationships with other men. That is my truth and that’s what they keep throwing at me,” kaagad na paglilinaw ni Kylie.

“Okay sana kung ginawa ko. I would say I’m sorry. Pero hindi talaga, eh. Paano ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa? Ang hirap nu’n.


“Kung totoo talaga, aamin ako. But like, hindi talaga siya totoo kaya natatawa na lang ako. Paano ako magkakaroon ng oras? I was breastfeeding my second son.

“Paano ako aalis? Kung gusto n’yo ng ebidensya, tanungin n’yo yung mga yaya ko,” tuluy-tuloy pa niyang paliwanag.

READ: Kylie Padilla at Cristy Fermin nagsagutan dahil kay Aljur Abrenica

Tinawanan din lang ni Kylie ang tsismis na ang Kapamilya actor daw na si JM de Guzman ang ipinalit niya kay Aljur. Sabi pa ni Kylie, pareho na raw silang hindi masaya ni Aljur kaya minabuti na nilang tapusin ang kanilang relasyon.

Lahad niya, “I want to grow as a person and be a better mother. The circumstances sa marriage namin, feeling ko hindi ko magagawa yon. The decision that I made, I think, do’n siya nanggaling.

“‘Yung sinabi niya na ‘I wrecked the family,’ it’s because I decided na ayoko na, tapos na ko dito. I want to be a better person, I want to be happy. And I want him to be happy.

“Kaming dalawa ang iniisip ko when I decided that… I felt like for the longest time, I felt alone in the marriage. ‘Yung cheating was just the last straw. Mahirap sa akin but I said, ‘Okay, it’s enough!’”

READ: ‘Nabugbog na ako!’ Dahilan ni Aljur Abrenica kung bakit naglabas ng controversial post tungkol kay Kylie Padilla

May mensahe rin si Kylie sa ama ng kanyang dalawang anak.

“Wag natin kalimutan to be parents sa mga anak natin. Sana ma-save pa natin yung friendship after this. That’s my goal in the end.

“Kung gusto natin mag-away, whatever, let’s do it in the right place, huwag na sa public. Yon lang ang hinihingi ko, please,” pakiusap ni Kylie kay Aljur.