• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Jay Manalo na nililimitahan na niya ang paggawa ng sexy role sa pelikula

Jay Manalo kay Sean de Guzman gustong ipamamana ang trono ng pagpapaseksi

Aminado si Jay Manalo na nililimitahan na niya ang paggawa ng sexy role sa pelikula

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2021 10:06 PM
Jay Manalo kay Sean de Guzman gustong ipamamana ang trono ng pagpapaseksi

Sa edad na 48 ay aminado si Jay Manalo na nililimitahan na niya ang paggawa ng sexy role sa pelikula. Handa na rin daw siya na  ipamana ang trono sa mga baguhang sexy actors ngayon.

“Ibibigay ko na lang sa mga gustong umupo, yung mga bagong sibol, na kailangan nating magbigay-daan para maipakita nila yung kanilang craft. Yung kanilang galing,” sabi niya.

Isa raw sa nakikita niya na puwedeng tagapagmana ng kanyang trono ay si Sean de Guzman. Si Sean ay co-actor ni Jay noon sa Anak ng Macho Dancer at ngayon naman ay sa Mahjong Nights na launching movie ni Angeli Khang sa Viva Films.


“Matured na ako, eh. Ibigay na natin sa mga sumisibol yan. Ibigay na natin sa kanila yang titulo na yan lalo na diyan kay Sean.

“Si Sean ang daming… may daring scenes yan. Yung ginawa niyan hindi ko kaya. Ha-haha! Iba yan,” natatawang lahad ng aktor.

Sean de Guzman sa tawag na ‘next Coco Martin’: ‘Nakakahiya pong maikumpara ako sa kanya’

Ayon pa kay Jay masaya na siya sa tinakbo ng kanyang career na mula sa pagiging sexy actor ay kinilala rin nung tumagal bilang isang magaling na aktor. Gusto rin daw niya na nasa mentoring stage na lang siya ngayon.

Paliwanag ng aktor, “Ako, noong na-start din ako dati may mga nagbibigay ng guidance, mga guidelines, mga suggestions. Ina-absorb ko naman yung iba, pero kung alam kung makakatulong sa akin o hindi makakatulong sa akin tinitingnan ko muna.

“Kung ano yung naramdaman ko noong ako’y nag-i-start nung nakasama ko yung mga beterano ganu’n din ang sinusukli ko sa kanila. Nagbibigay din ako ng mga suggestions. Naga-guide din ako. Umaalalay ako sa kanila.

“Kahit siguro noon pa man ganun na ako. Outside showbiz ganu’n ako, eh. Umaalalay ako sa lahat ng ginagawa ko para sa ikabubuti ng lahat.”

Jay Manalo hindi natuloy maging US Navy dahil naiwan ng barko kaya bumagsak sa pag-aartista

Sa comeback movie ni Jay na Mahjong Nights sa Viva ay sexy thriller ang theme nito. Nag-set na ba siya ng limitations bago gawin ang pelikula?

 Tugon ni Jay, “Actually, yan ang unang sinabi sa akin, na kung mag-start ako ng new movie sa Viva, medyo sexy daw. So, sinabi ko naman na ’wag lang yung katulad ng dati na medyo daring kasi nga I think I’m too old enough for that.

“Kung pupuwede naman kasi yung ibang eksena gesture na lang. Wala na yung mga… Puwede siguro yung half naked, upper body na lang. Ganung part yung nire-request ko lang.”

Eh, what if kailangan talaga sa eksena sa pelikula na magpakita ulit siya ng skin, papayag ba siya?

“Pagka nakapag-gym na ako, may maipagmalaki na akong katawan uli baka pupuwede,” sabay tawa ni Jay. “Basta’t hinihingi ng eksena pero hangga’t maaari… Ako naman kasi kaya kong i-adjust ang sarili ko. Depende kung ano yung hihingin ng eksena.

“Pero dapat bago maumpisahan yung project masabi na kaagad sa akin kung ano yung mga dapat gawin,” lahad pa niya.

Mapapanood ang Mahjong Nights sa Vivamax simula November 12.