• Home
  • Fresh Scoops
  • Naghahanap pa rin si James Reid ng bibili sa kanyang bahay sa Quezon City.

Dati umanong ‘love nest’ nina James Reid at Nadine Lustre, hindi pa naibebenta

Naghahanap pa rin si James Reid ng bibili sa kanyang bahay sa Quezon City.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/25/2021 06:03 PM
Dati umanong ‘love nest’ nina James Reid at Nadine Lustre, hindi pa naibebenta
Photo credit @james Instagram

Isa’t-kalahating taon na ang nakalilipas, hindi pa din naibebenta ni James Reid ang dating “love nest” nila ni Nadine Lustre. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni James ang mga litrato ng kanyang bahay sa Loyola Grand Villas sa Katipunan. 

James Reid shares why he stepped back from acting and focused on making music


Dito, makikita ang mga larawan ng iba’t-ibang bahagi ng bahay niya kabilang na ang kitchen, dining area, living room, kwarto, banyo, at swimming pool.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james)

 

Pebrero noong nakaraang taon nang i-anunsyo ni James na ibinebenta na nito ang kanyang bahay. 

Noong mga panahong iyon, lumabas din ang mga bali-balita na lumipat na si Nadine sa isang condo sa Makati. 

Is the house James Reid selling his former ‘love nest’ with Nadine Lustre?

Bagama’t hindi kinumpirma nina James at Nadine, maraming naniniwala na minsan nang nagsama ang dalawa sa nasabing bahay matapos makalkal ng mga fans ang mga litrato ng dalawa doon. 

Hindi man sinabi ni James kung magkano ito, maraming fans ang nagsasabi na aabot ng 80 hanggang 85 milyong piso ang halaga ng nasabing bahay. 

Samantala, maaari namang ma-contact ang assistant ni James na si Penelope sa +63 927 836 9466 para sa mga nagnanais na bumili.