• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-react si Kylie Padilla matapos isiwalat ni Cristy Fermin ang diumano’y lalaking laging kausap ng aktres sa telepono.

Kylie Padilla at Cristy Fermin nagsagutan dahil kay Aljur Abrenica

Nag-react si Kylie Padilla matapos isiwalat ni Cristy Fermin ang diumano’y lalaking laging kausap ng aktres sa telepono.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/24/2021 11:45 PM
Kylie Padilla at Cristy Fermin nagsagutan dahil kay Aljur Abrenica
Photo Credit: @ckylienicolepadilla and @ajabrenica on Instagram

Mukhang hindi pa tapos ang isyu between Aljur Abrenica and Kylie Padilla na nagsimula pagkatapos mag-post ang aktor ng isang statement tungkol sa kung sino ang unang nangaliwa sa kanila ni Kylie. 

Ngayon ay may maaanghang na pahayag naman ang asawa ni Aljur laban sa radio host at kolumnistang si Cristy Fermin matapos nitong isiwalat ang diumano’y lalaking laging kausap ng aktres sa telepono na posibleng dahilan daw ng hiwalayan nila ng dating partner. 

Read:‘Nabugbog na ako!’ Dahilan ni Aljur Abrenica kung bakit naglabas ng controversial post tungkol kay Kylie Padilla


Ani Cristy, “Kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, ganun-ganun, meron siyang kausap. Natural, hindi naman patay na lokohan si Aljur, di ba? Lalaki yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay.” 

Hindi ito nagustuhan ni Kylie kaya binanatan niya ang radio host sa kanyang post na ngayon ay burado na sa Facebook. 

Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino ang source mo. ‘Wag nyong hintayin na magsalita ako tungkol sa inyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko,” wika ni Kylie. 

Tignan niyo mga mali niyo sa sarili niyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha niyo sa pagsisira sa’kin? Grow up. Ang tatanda niyo na. Mahiya naman kayo sa sarili niyo,” dagdag pa niya. 

Read:Kylie Padilla breaks silence: ‘Masaya ako and I will protect my happiness’

Hindi rin naman ito pinalampas ng kolumnista at sinabing, “Kung gusto mo na puro magaganda lang tungkol sa iyo ang mababasa mo, magtayo ka ng sarili mong publikasyon! Magkaroon ka ng isang talk show para puro magaganda lang ang gusto mong sabihin, walang tututol sa iyo!” 

Hindi baleng hindi niya ako pasalamatan (sa mga nasulat), huwag lang siyang manghihimasok sa opinyon ko kolum ang sinusulat ko Kylie ang hinihingi doon opinyon hindi ito feature article na iko-quote kita laban kay Aljur Abrenica. Kolum ‘to, opinyon ng kolumnista ang itinataya rito. 

Para panghimasukan mo ang buhay naming manunulat, panghimasukan mo ang trabaho ko sa hanay na kinabibilangan ko hindi kita papayagan. Iisa lang ang puhunan namin. Kung kayo ay kagandahan, kami ay kredibilidad lamang. Hindi ko pananakaw sa iyo ‘yun, Kylie Padilla. Hindi ko ibibigay sa iyo. Hindi ko pa rin ipapupulot sa iyo. At ‘yung salitang ang tatanda n’yo na

Ineng, isang araw manalamin ka. Ang mukha mo ay kukulubot, ang katawan mo ay magbabago ng postura. Lahat ng mga bagay na materyal lamang lalo na ang kagandahan nawawala ‘yan, lumilipas ‘yan. Pero ‘yung paninindigan, mawala ka man sa mundo sasabihin, ‘ay ang taong ‘yan may word of honor ‘yan! May isang salita ‘yan! May paninindigan ‘yan! Kinalaban niya ang buong mundo wala siyang pakialam dahil ang kanyang paninindigan ang ipinaglaban niya,’” giit pa niya. 

Read: Aljur Abrenica, binasag ang katahimikan; sinabing si Kylie Padilla ang unang nangaliwa

Pinuri naman ni Fermin ang kung gaano kabuti ang ugali ng tatay ni Kylie na si Robin Padilla. 

Aniya, “Katulad ng tatay mo, si Robin Padilla lahat tayo ay patungo sa kabilang mundo. Kapag ang tatay mo ay nawala, ganu’n ang maririnig mo! Si Robin Padilla sikat na sikat na artista ‘yan pero hindi ipinagbago ng kasikatan ng pera at kapangyarihan

Si Robin Padilla, mabuting tao ‘yan, mabuting puso dahil pati maliliit na manggagawa ng industriya ng pelikula at telebisyon sine-share-an niya, binabahaginan niya ng kung anumang mayroon siya. Iyon ang maririnig mo kapag nawala si Robin na sana ay hindi naman agad-agad pero isang araw lahat naman tayo ay papunta roon.” 

Nagbitiw din ng panibagong hamon si Fermin kay Kylie. 

Nga pala, sabi mo matakot kami kapag ikaw ang magsalita, bakit hindi ka pa magsalita? Dahil kung tunay kang nagmamalasakit at nagmamahal sa mga anak n’yo ni Aljur dapat ay hindi mo isinapubliko ang mga nangyayari sa buhay n’yo! Tama si Robin Padilla, huwag kayong mag social media lumayo kayo sa social media dahil paglaki ng mga anak n’yo, nakakahiya dahil mababasa nila iyan,” huling pahayag ng kolumnista.