• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos on Yassi Pressman: ‘‘Yung Yassi na kasama ko ngayon sobrang mature na siya emotionally.’

JC Santos on working with Yassi Pressman again in ‘More Than Blue’: ‘She is different now’

JC Santos on Yassi Pressman: ‘‘Yung Yassi na kasama ko ngayon sobrang mature na siya emotionally.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/24/2021 02:28 PM
JC Santos on working with Yassi Pressman again in ‘More Than Blue’: ‘She is different now’

Aminado ang aktor na si JC Santos na nung ibigay sa kanya ang project na More Than Blue ay hindi siya na-impress dito. In fact, in-under estimate pa raw niya ang istorya ng pelikula na Pinoy adaptation ng sikat na Korean movie.

JC Santos on working with Yassi Pressman again in ‘More Than Blue’: ‘She is different now’

“Actually, 2020 ko na siya binasa, eh. Nung una ko siyang binasa medyo relax lang siya sa akin, na okey lang siya, nakakaiyak habang binabasa ko yung script. Tapos nung malapit na yung shoot, binasa ko ulit kasi every time na binabasa ko siya relax lang siya, eh. Ah, okey, ‘Gets ko na yung mangyayari.’


“Na-under estimate ko siya. Hindi ako masyadong impress dati. Hahaha!” pagtatapat ni JC sa virtual media con ng More Than Blue na prinodyus ng Viva at idinirek ni Nuel Naval.

WATCH: Yassi Pressman, JC Santos in heartbreaking trailer of ‘More Than Blue’

Patuloy pang kuwento ng aktor, “Tapos nung nagsi-scene by scene na ako sabi ko, ‘Hala, in-under estimate ko itong material na ’to. Paano ko ito gagawin?’ Hindi ko alam kasi nung tsinitsek ko na siya, papaano itong… kasi kada halos eksena ganito kabigat, so papaano kaya ito?

“Come two days before the shoot umabot ako sa nag-panic ako dahil hindi ko alam kung kaya ko ba. Nag-text pa ako kay Direk at sinabi ko na nai-intimidate ako sa character ko at saka sa materyal.

“Hanggang nagsu-shoot na kami pero takot pa rin ako. Actually, ito na yung pelikula na pinakanatakot ako nang sobra sa gagawin ko, pinakakinakabahan ako kada eksena.”

Leading lady ni JC sa More Than Blue na ipapalabas sa Vivamax on November 19 si Yassi Pressman. Pangalawag beses na niyang nakatrabaho si Yassi na una niyag nakasama noong 2018 sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sa naturang action serye ay ginampanan ni JC ang character ni Marco, ang karibal ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa puso ni Alyana.

“I’m super happy dahil si Yassi ang nakatanggal nung takot ko sa shoot kaya naging relaxed na ako on the spot,” sambit niya. “Kasi at that time, she gave me everything that I needed in every scene and she was performing her soul in front of me. At that time I felt comfortable na the whole time and she made me comfortable performing for her.

“Natatakot ako kasi akala ko parang magma-manufacture ako, akala ko sa akin lang lahat ng hugot, pero every time na magkaeksena na kami, ‘Ah okey, ito na yung puso ng pelikulang ito, and ito na yung genius ng writing niya kasi kailangan mo nang maayos na kaeksena at saka yung naniniwala talaga, kasi sobrang hirap nung materyal,” paliwanag ni JC.

READ: Yassi Pressman, masaya na balik-pelikula siya ngayon

Dagdag pa ng aktor, napakalaki na ng pinagbago ni Yassi ngayon kumpara nung makatrabaho niya ito sa FPJAP.

“Sinabi ko ’to sa kanya sa set. Sabi ko, ‘Yung Yassi na kasama ko ngayon sobrang mature na siya emotionally.’ Nung makita ko siya ulit parang biglang ang dami na niyang pinagdaanan, eh, two years ago lang yon, ha.

“She is different now. Nawala na yung… siguro dahil din sa validation, mas relaxed na siya ngayon,” papuri pa ng aktor kay Yassi.