• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilang Pinoy vloggers na mayroong higit 10 million subscribers na sa kanilang YouTube channel.

Mga Pinoy YouTubers na may higit 10M subscribers | Pushpins

Narito ang ilang Pinoy vloggers na mayroong higit 10 million subscribers na sa kanilang YouTube channel.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/24/2021 08:00 AM
Mga Pinoy YouTubers na may higit 10M subscribers | Pushpins
Photo credit: @cathygonzaga, @nianaguerrero, @ivanaalawi, @ranzkyle Instagram

Maraming vloggers at influencers ang sumikat at nabigyan ng spotlight dahil sa kanilang mga trending na online content.  

Narito ang ilang Pinoy vloggers na mayroong higit 10 million subscribers na sa kanilang YouTube channel. 

Sinu-sino sila?   


Let's find out.   

 

Ranz Kyle 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ranz Kyle (@ranzkyle)

Kasalukuyan si Ranz Kyle ang mayroong pinakamaraming YouTube subscribers with more than 14.5 million. 

Nagsimulang makilala si Ranz dahil sa kanyang dance videos. Naging parte rin siya ng boy group na Chicser. 

10 years na ang nakalipas simula nang una siyang mag-upload ng video sa kanyang channel. Mula noon ay mayroon ng mahigit 1.5 billion views ang kanyang YouTube page. 

Bagama’t nag-aartista na ay mas lalo pang sumikat si Ranz Kyle noong 2017 nang mag-upload siya ng isang car vlog kasama ang kapatid na si Niana Guerrero.  

 

Ivana Alawi 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Ang actress-YouTuber na si Ivana Alawi ay kasalukuyang mayroong 14.3 million YouTube subscribers. 

Taong 2019 nang magsimula si Ivana na magpost sa kanyang YouTube channel. As of writing, ang kanyang "A Day In My Life" vlog ang kanyang most viewed content with almost 30 million views. 

Karamihan sa kanyang mga posts ay tungkol sa kanyang pamilya, travel, at maging prank and mukbang videos. 

Una nang napanood si Ivana sa mga Kapamilya shows gaya ng Ang Probinsyano at Sino Ang May Sala?: Mea Culpa? 

  

Niana Guerrero 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Niana (@nianaguerrero)

Si Niana Guerrero ay kapatid ng YouTuber na si Ranz Kyle. 

Kasalukuyang mayroong 14 million YouTube subscribers ang channel ni Niana na unang nagpost noong 2013. 

Karamihan sa kanyang most viewed content ay ang mga dance covers and challenges kasama ang mga kapatid na sina Ranz at Natalia. 

Hindi lamang sa YouTube sikat si Niana kundi pati na rin sa TikTok kung saan mayroon siyang halos 28 million followers.  

 

Alex Gonzaga 

Ang aktres at TV host na si Alex Gonzaga ay nagsimula naman mag-upload ng content sa kanyang YouTube channel noong 2017. 

Ngayon ay mayroon ng 11.6 million subscribers si Alex. 

Kadalasang kasama ni Alex ang kanyang pamilya sa kanyang mga prank at nakakatawang vlogs. 

Maliban sa vlogs ay napanood din si Alex bilang host sa mga Kapamilya shows gaya ng The Voice of the Philippines, Dance Kids, at Pinoy Big Brother

Get to know these vloggers more in this episode of Pushpins.  

Anong vlogs nila ang favorite niyo?