• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy adaptation ng Korean hit ang latest film ni Yassi Pressman.

Yassi Pressman, masaya na balik-pelikula siya ngayon

Pinoy adaptation ng Korean hit ang latest film ni Yassi Pressman.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/22/2021 06:52 PM
Yassi Pressman, masaya na balik-pelikula siya ngayon
Photo credit @yassipressman Instagram

Excited at masayang ibinahagi ni Yassi Pressman sa ginanap na digital presscon ng pelikulang More Than Blue ang pakiramdam na meron ulit siyang bagong pelikula.  Three years ago pa kasi nang gawin ni Yassi ang Para Sa Broken Hearted kaya na-miss niya raw talagang mag-movie.

“I’m very excited. I’ve been waiting for this po kasi two years ago,” bulalas ni Yassi sa PUSH at sa ibang entertainment press. “Kung matatandaan n’yo po we teased on it two years ago. Pero dahil po sa schedule, dahil na rin po sa pandemic naurong nang naurong.

“I’m very grateful na finally nakahanap kami ng schedule na available kaming lahat. I’m very excited din po kasi dahil isa po ito sa mga pinakapaborito ko pong ginawang proyekto,” sabi pa ng dalaga.


WATCH: Yassi Pressman, JC Santos in heartbreaking trailer of ‘More Than Blue’

Ang More Than Blue ay Pinoy adaptation ng Viva Films mula sa isang hit Korean film na nagpapakita ng wagas na pag-ibig at matinding sakripisyo para sa pagmamahal. Gagampanan ni Yassi ang character ni Cream sa movie kung saan leading man niya si JC Santos na gumanap naman bilang K.

Si Nuel Naval na director ng blockbuster Metro Manila Film Festival entry na Miracle In Cell No. 7 ang siya ring director ng More Than Blue.

Ano ba ang mga ginawa niya bilang paghahanda sa role?

Kuwento ng aktres, “When I read the script pa lang, iyak na ako nang iyak. But I got nervous kasi Cream is very different from my character Alyana which I’ve played for many years in [FPJ’s] Ang Probinsyano.

“Cream has a very happy personality, lives day by day and she can be very spontaneous, but it can be both a curse and a blessing kasi iniiwasan niya ang problema when she should confront it and try to process it. Eh, si Alyana iba talaga yung character niya, di ba?”

“I read it once, pero nung binasa ko siya ulit, naalala ko yon kasi nando’n ako sa may poolside tapos umiiyak ako nang sobra tapos may bisita kami sa bahay. So ang ginawa ko lumubog ako sa swimming pool kasi nahihiya ako na makita nila kasi iyak ako nang iyak.

“I got nervous, kasi po siguro sa tagal ko na rin po sa Ang Probinsyano and kilalang-kilala ko na po yung karakter ni Alyanna and kaya ko na siya halos gawin nang nakapikit. Ito kasi kikilalanin ko pa lang si Cream.”

Yassi Pressman shares how she takes care of her mental health: ‘I needed some time to get away’

Malaking bagay din daw na si JC ang katrabaho niya sa More Than Blue lalo na sa mabibigat na eksena dahil kumportable siya sa aktor na nakasama niya noon sa Ang Probinsyano.

“It’s good na si JC ang kaeksena ko kasi nalalagyan niya ng tamang kahulugan ang bawat scene. This is our first film together but we’ve worked na in Probinsyano kaya comfortable na kami with each other,” saad pa niya.

Nang tanungin namin kung ano na ba ang pinakamatinding sakripisyong ginawa niya para sa pag-ibig, tila napaisip ang dalaga.

“Siyempre marami rin naman akong sacrifices na nagawa for love. Sobra nga po minsan naiisip ko, eh. Parang masyado yata,” may hugot niyang pahayag.

“Yung sacrifice kasi yon yung time, eh, di ba? Time that you lose for your family, time that you lose for other opportunities, and lahat naman tayo gusto nating may mapuntahan yung mga sacrifices natin, na parang pang-forever na.

“Pero hindi mo rin siya maiisip na sayang kasi it brought you to a certain point in your life that if you change your mind may lessons kang matututunan. So for me yung mga sacrifices na yon is worth pa rin,” paliwanag pa ni Yassi.

Ipapalabas ang More Than Blue sa Vivamax starting November 19. Kasama rin sa cast ng ng pelikula sina Diego Loyzaga at Ariella Arida.