• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez, nagsalita tungkol sa ‘breaking silence’ post ni Aljur Abrenica.

AJ Raval’s mom Alyssa Alvarez, may mensahe kay Aljur Abrenica

Ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez, nagsalita tungkol sa ‘breaking silence’ post ni Aljur Abrenica.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2021 09:04 AM
AJ Raval’s mom Alyssa Alvarez, may mensahe kay Aljur Abrenica
Photo credit to @ajravsss and @ajabrenica Instagram

May mensahe ang ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez kay Aljur Abrenica pagkatapos ng “Breaking Silence” post nito noong September 19. Si Aljur ay masugid na manliliaw ni AJ at very vocal naman ang sexy star sa pag-amin tungkol dito.

Ayon sa mommy ni AJ, nabanggit na sa kanya ni Aljur ang tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nito at ng dating asawang si Kylie Padilla. Hindi raw ito inilihim sa kanya ng aktor at naging daan daw yon para higit niyang makilala ang manliligaw ni AJ.

“He told me everything from the start, para makilala ko ang pagkatao nya, kung karapat dapat ba syang tanggapin ng pamilya namin. Tao siyang lumapit sa amin kaya tao din namin syang tinaggap,” lahad ng ina ni AJ.


READ: Aljur Abrenica, binasag ang katahimikan; sinabing si Kylie Padilla ang unang nangaliwa

Nakatanggap ng kabi-kabilang pamba-bash si AJ nung ma-link ang pangalan niya kay Aljur. Inakusahan pa nga ang dalaga na siya raw ang third party sa hiwalayang Aljur at Kylie bagay na kaagad namang itinanggi ng sexy star.

Bilang isang ina, pinilit manahimik ni Alyssa sa nangyayari dahil  naniniwala ito na sa huli ay lalabas din ang katotohanan. Nang mismong kay Aljur na manggaling kung bakit sila naghiwalay ni Kylie ay tila nabunutan ng tinik ang ina ni AJ. Nagpapasalamat ito kay Aljur na tinawag pa na niyang “anak.”

“Nagpapasalamat ako kase tinupad mo ang sinabi mong di mo kami pababayaan… Alam ko hindi lang ito para sa amin, pati na rin sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sa ‘yo,” reaksyon ng ina ni AJ.

Ang naging post ni Aljur ay patunay din na seryoso siya sa anak ni Jeric Raval dahil handa niyang sabihin ang totoo para lang madepensahan ito mula sa pamba-bash ng netizens.

Ilang oras pagkatapos ng post ni Aljur ay ishinare din niya ito sa kanyang social media account bilang tanda ng suporta sa manliligaw. Iba-iba ang reaksyon dito ng netizens. Merong natuwa, pero marami din namang nagsabi na sana raw ay nanahimik na lang si AJ.

READ: AJ Raval denies being the third party in Aljur Abrenica-Kylie Padilla split

Samantala, very vocal noon pa man ang ina ni AJ sa pagtatanggol sa kanya kapag kinukuyog na ito ng mga bashers na against sa pakikipagmabutihan niya kay Aljur.

Hindi nito pinatawad ang komento noon ng isang netizen na nagsabing, “Kung nagawa niya (Aljur) kay Kylie, kaya nya rin gawin sa iba.”

“Sus, sino ka para humusga? Ikaw ba walang nagawang kasalanan?” buwelta ni Alyssa sa netizen.

“Yan mahirap sa ibang mga Pilipino masyado judgmental, kaya walang asenso. Just saying. Di naman natin hawak ang kalooban ng Dios, kapatid,” dagdag pa niya.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pormal na pag-amin mula kina AJ at Aljur kung meron na ba silang relasyon. Base kasi sa huling pahayag ni AJ, nasa stage pa rin sila na “getting to know each other.”