• Home
  • Fresh Scoops
  • Dahil sa kinasangkutan na isyu, AJ Raval gusto na ring mag-goodbye sa social media.

AJ Raval, nag-sorry kay Kylie Padilla sa pag-share ng ‘Breaking Silence’ post ni Aljur Abrenica

Dahil sa kinasangkutan na isyu, AJ Raval gusto na ring mag-goodbye sa social media.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2021 09:15 AM
AJ Raval, nag-sorry kay Kylie Padilla sa pag-share ng ‘Breaking Silence’ post ni Aljur Abrenica
Photo credit to @ajravsss and @kylienicolepadilla Instagram

Nagsorry si AJ Raval kay Kylie Padilla dahil sa pagse-share at pag-repost nito ng kontrobersyal na ‘Breaking Silence’ post ni Aljur Abrenica. Sa naturang post ni Aljur noong October 19 ay hinamon nito ang dating asawang si Kylie na magsabi ng totoo at aminin kung sino ang unang nag-cheat at kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

READ: Aljur Abrenica, binasag ang katahimikan; sinabing si Kylie Padilla ang unang nangaliwa

Dahil sa ginawa ni AJ ay inakusahan siya ng netizens na sumasawsaw sa isyu nina Aljur at Kylie. Hindi rin napigilan ng marami na i-bash ang sexy star.


“I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan. And also kay Kylie, I'm really sorry kung shinare ko yung statement na yun,” video message ni AJ kay Kylie sa pamamagitan ng TikTok nitong Miyerkules, October 20.

Dagdag pa ni AJ, wala raw siyang itensyon na makasakit ng damdamin ng iba. Ginawa lang daw niya ito para protektahan ang kanyang sarili.

“It’s not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself. Kaya lang, mali yung way ko.

“Pero na-realize ko rin na baka tama kayo. I’m too immature and I need to grow. I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan, sa lahat ng nagalit. Sana mapatawad niyo ako,” pakiusap niya.

Aminado rin si AJ na naapektuhan siya sa akusasyon ng netizens na siya ay “kabit” at “homewrecker” kaya ni-repost niya ang statement ni Aljur.

Ani AJ, “Tungkol ito sa statement ni AJ (palayaw ni Aljur) na shinare ko. Gusto ko lang i-explain kung bakit ko shinare. Hindi naman sa nakikisawsaw ako sa issue. Shinare ko yun kasi I'm trying to protect myself and my family because people are accusing me.”

“Tinatawag nila akong kabit. Tinatawag nila akong homewrecker, which is hindi naman totoo. Wala akong sinirang pamilya. At never ako maninira ng pamilya,” giit ng dalaga.

Patuloy ulit nito, “Nung una, tinatanggap ko pa yung sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon na nadadamay yung family ko, sobrang affected ako. Nanay ko nakikita ko umiiyak. Naapektuhan ako dun.

“To be honest, wala talaga akong pakialam sa issue nila before. Narinig ko na yan, pero never akong naglabas ng kahit anong statement or what tungkol dun kasi wala talaga akong right na magsalita tungkol sa isyu na yun.

“Silang dalawa lang ang puwede magsalita dun. Shinare ko lang yun dala ng emotion because I'm hurting.

RELATED ARTICLE: AJ Raval’s mom Alyssa Alvarez, may mensahe kay Aljur Abrenica

Samantala, dahil sa mga pangyayari ay balak na munang magpaalam sa social media ni AJ. Babalik na lang daw siya next year (2022) kapag malamig na ang isyu at okey na ang lahat.

Lahad niya, “Maraming-maraming salamat sa mga nagmamahal sa akin, sa mga sumusuporta. Nababasa ko message niyo. Na-appreciate ko kayo lahat. Thank you.

“Ayoko na. Gusto ko na lang ng peace sana matapos na ito kasi bugbog na talaga yung mental health ko. Di ko na kaya, so mag-social media detox na muna ako. Next year na lang ako babalik ng social media.  Maraming salamat sa nagmamahal pa rin sa akin.”