• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasunod nang pasabog na rebelasyon ni Aljur Abrenica, nagbigay ng pasaring ang aktres na si Kylie Padilla.

Kylie Padilla, may pasaring kay Aljur Abrenica?

Kasunod nang pasabog na rebelasyon ni Aljur Abrenica, nagbigay ng pasaring ang aktres na si Kylie Padilla.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/20/2021 08:38 AM
Kylie Padilla, may pasaring kay Aljur Abrenica?
Photo credit to @kylienicolepadilla and @ajabrenica Instagram

Kasunod nang naging matapang na pahayag ni Aljur Abrenica tungkol sa dating asawa, nagbigay ng pasaring si Kylie Padilla sa dati nitong partner.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


 

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Kylie ang isang malamang mensahe na tila para kay Aljur. 

“Never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes,” saad ng nasabing mensahe. 

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng pahayag si Kylie kaugnay sa mga naging akusasyon sa kanya ni Aljur. 

Una nang sinabi ni Aljur na si Kylie ang unang nangaliwa sa kanilang dalawa ni Kylie. 

Hinikayat din aktor na ilantad na ni Kylie ang totoong mga pangyayari na naging dahilan ng hiwalayan nila. 

“Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statements for your self-gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you, not on our family. The people deserve to know,” saad ni Aljur. 

READ: Aljur Abrenica, binasag ang katahimikan; sinabing si Kylie Padilla ang unang nangaliwa

Naging maugong ang pangalan ni Aljur nitong mga nakaraang linggo matapos sunod-sunod na naglabasan ang mga litrato niya kasama ang aktres na si AJ Raval.  

Marami ang bumatikos kay Aljur at inakusahan pa ng mga netizens na nangaliwa ito.

Samantala, matatandaang Hulyo nitong taon nang kumpirmahin ni Kylie ang hiwalayan nila ni Aljur. 

“All we need right now is respect—first and foremost on the decisions we have made as a family and respect for each and every member of our family—to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and to our families from both sides who have guided us along the way,” saad ni Kylie sa kanyang naging pahayag. 

READ: Kylie Padilla releases statement about her separation from Aljur Abrenica: ‘All we need now is respect’

Sinabi naman ni Kylie nito lamang na walang isyu sa kanya kung totoo man na mayroong namamagitan kina Aljur at AJ lalo pa’t Abril pa umano nang maghiwalay sila. 

"We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this," aniya. 

 

 

"I have no intention of disclosing any more of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left," dagdag pa niya. 

READ: ‘No issue’: Kylie Padilla reacts to rumors linking Aljur Abrenica to AJ Raval

Pinabulaanan naman ni AJ Raval ang kumakalat na usap-usapan na siya ang tunay na dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawa. 

Marami naman ang mga netizens na nakapansin na ibinahagi ni AJ ang post ni Aljur sa Facebook account nito.