• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Sakalam’ singer Gigi De Lana talks about what made her stronger as a person.

Gigi De Lana reveals which US singers she would love to collaborate with

‘Sakalam’ singer Gigi De Lana talks about what made her stronger as a person.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/20/2021 10:50 AM
Gigi De Lana reveals which US singers she would love to collaborate with
Photo credit to @gigidelanaofficial Instagram

Now that she and her band The Gigi Vibes have released their first original single “Sakalam”, vocalist Gigi De Lana said fans of their group can look forward to them trying different genres with each new album that they release.

“Kasi nakilala kami as yung cover band and band of all genres. Kaya inuna namin yung alternative pop rock kasi yun yung pinakamalakas na influence namin as a group. We plan on doing different genres on different albums para makilala ng mga tao yung different sides of music. Ngayon pa lang may pinaplano na kaming ibang genre. So I’m very , very happy to say na we can write songs na kung saan kami na-i-inspire,” she said.

READ: Gigi De Lana releases her first original song ‘Sakalam’: ‘Yung puso ko umaapaw ngayon’


Gigi also said she hopes to inspire other aspiring artists out there who are also dreaming of pursuing her passion for music just like her when she first started. “Yun din yung gusto ko sabihin sa mga aspiring composers diyan na don’t doubt yourself on what you can and what you can’t do kasi nasa sa inyo lang yan. It’s your choice. Choose to be the better version of yourself. Gawin mo lang. Huwag kang titigil,” she added.

READ: Gigi De Lana gives advice on how to avoid heartbreak: ‘Gamitin din ang utak’

An avid fan of American singer-songwriters like Paramore’s Hayley Williams and Canadian artist Avril Lavigne, Gigi admitted that these artists have a heavy influence on her style of performing. She also said it would be a dream come true to be able to collaborate to them someday.

“Personally Hayley Williams and Avril Lavigne kasi sila talaga yung iniidolo ko lalo na sa alternative side ko. Sa kanila lumalabas yung totoong boses ko. Sa kanila ko natutunan kung paano kumanta ng boses ko talaga. Kasi pag naririnig ko sila kumanta, kahit nagsasalita sila yun yung boses nila. So gusto ko yun yung i-imbibe ko sa sarili ko. Gusto ko kahit nagsasalita ako, yun rin yung boses na ibibigay ko sa music ko.

“Sobrang sarap sa feeling na marinig ko yung totoong boses ko pag ni-re-record ko. Kasi before pag kumakanta ako ng songs ginagaya ko yung singers. Siyempre dun talaga nagsisimula lahat. Kailangan mong manggaya. Pero siyempre in the long run, kailangan mong magkaroon ng sarili mong identity, sariling boses, yung unique at sa ‘yo. Yung pag narinig ka nila sa radyo, alam nila na si Gigi yun. So ganun din sa banda ko. Ganun kami lahat. Ganun kami nag-umpisa na nanggagaya sa iniidolo namin,” she shared. 

READ: Gigi De Lana excited for her new album and digital concert this year

During her recent mediacon, Gigi admitted she braced herself for harsh comments about her latest single. “Nung naka-release na siya nung October 8, yung mga comments nila nakaka-relate sila and naluluha sila. Naghahanap ako sa totoo lang ng magba-bash sa kanta or negative comments. Kasi sa usual live stream namin may mga nang-ba-bash sa amin hindi yun maiiwasan. Pero sa ‘Sakalam’ ang daming magagandang comments na sobrang natutuwa kami. Ang sarap sa feeling na ganun yung nabibigay namin sa audience through this song. We are so proud of what we’ve done and we’re very, very thankful to those who are listening to our new single Sakalam,” she said.

After revealing that she is currently going through a heartbreak, the 26-year-old Star Music artist shared where she found the strength to not be discouraged with life.

“Alam niyo bakit ako strong? Ayoko na umiyak. Ayoko na balikan yung mga times na nangyari na. Ayoko na ma-feel na masaktan ulit kasi tao tayo, may mga moments na shinu-shut natin yung sarili natin na ayaw na natin ma-feel yun. Pero it’s important to feel that again for you to be human again. It’s okay to be strong pero under circumstances you have to do what’s best. I mean kung yun yung tama sa oras na yun kailangan mo ibigay.

“In real life, ang nagpalakas sa akin is yung bumuo mismo sa pagkatao ko, yung mga struggles sa buhay ko, yung pinagdaanan ko. Lahat ng yun, yun ang pinaka sakalam para sa akin kasi doon ako nag-grow as a person. Pero kung sino yung nagbigay ng strength sa akin is yung mga taong nag-inspire sa akin dito lalo na ngayon. Actually lahat ng nakikilala ko inspire me. Alam mo yung iba iba sila ng vision, perception, iba iba sila ng sinasabi sa ‘yo para mag-grow yun. Lahat yun kasi tinatanggap ko kasi alam kong meron silang gustong mangyari sa akin na maganda na alam nilang mag-go-grow ako. Napakadaming tao ang na-meet ko na na-i-inspire ako kahit sandali ko lang nakilala,” she explained.

Watch Gigi’s debut single “Sakalam,” out now on various digital music platforms, and watch its music video on ABS-CBN Star Music’s YouTube channel.