Jason Abalos, tatakbo bilang board member ng Nueva Ecija

Sasabak na rin sa pulitika ang aktor na si Jason Abalos

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/02/2021 10:22 AM
Jason Abalos, tatakbo bilang board member ng Nueva Ecija
Photo credit: @thejasonabalos Instagram

Handa nang makipagbakbakan sa pulitika ang aktor na si Jason Abalos na pormal na naghain ng kanyang kandidatura sa pagtakbo bilang board member ng probinsya ng Nueva Ecija. 

Sa isang Instagram post, kinumpirma ni Jason na isa siya sa mga artista na nagdesisyong pasukin ang mundo ng pulitika. 


Ani Jason, gusto niyang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang ama bilang board member ng segundo distrito ng Nueva Ecija. 

Ayon pa kay Jason, ang pamilya niya ang naghikayat sa kanya na tumakbo sa kadahilanang natatakot umano mga ito para sa senior citizen gaya ng kanyang ama.  

“Malaking hamon ang pandemyang ito para sa mga senior citizen kaya po napag desisyunan namin na ako na ang magtatrabaho para po sa ating mga kababayan,” ani Jason. 

BASAHIN: Jason Abalos magpapatayo ng farm house nila ni Vickie Rushton sa probinsya

Samantala, nangako naman si Jason na mas pag-iintingin pa nila ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng teknolohiya sakaling malulok siya sa pwesto. 

“At dahil po dito kung inyong mapagbibigyan ay ilalapit namin ang kapitolyo at iba’t-ibang ahensya ng gobyerno katuwang ang ating susunod na magiging Gobernadora Rianne Cuevas sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng teknolohiya,” ani Jason. 

“Isa lang po ito sa aking mga magiging adbokasiya, para po sa buong lalawigan ng Nueva Ecija. Kailangan po namin ang inyong suporta at mga dalangin. Maraming salamat po,” saad pa ni Jason. 

Simula nang makilala ito sa Star Circle Quest noong taong 2004, lumabas si Jason sa iba’t-ibang proyekto ng Kapamilya network gaya ng mga serye na Moon of Desire, Two Wives, Bridges of Love, at Langit Lupa. Naging bahagi din si Jason ng Star Magic. 

Samantala, kilala din si Jason sa kanyang relasyon sa dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Vickie Rushton dahil sa pagiging supportive nito dito.