• Home
  • Fresh Scoops
  • Sasabak na sa pulitika ang Kapamilya star na si Arci Muñoz.

Arci Muñoz, tatakbong konsehal ng Cainta, Rizal

Sasabak na sa pulitika ang Kapamilya star na si Arci Muñoz.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/02/2021 08:55 AM
Arci Muñoz, tatakbong konsehal ng Cainta, Rizal
Photo credit: @ramonathornes Instagram

Matapos ang ilang taong pagpapamalas ng kanyang talento sa telebisyon, papasukin naman ng aktres na si Arci Muñoz ang mundo ng pulitika. 

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sumali si Arci sa partido ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) nitong Huwebes, Setyembre 30. Tatakbo umano bilang konsehal ng Cainta, Rizal si Arci. 


Maliban sa pagiging aktres, nagsisilbi din si Arci sa Philippine Air Force bilang isang reservist na may ranggo na sergeant. 

READ: Arci Muñoz joins PH Air Force relief mission in Catanduanes

Luminyada naman si Arci kay PBA legend Alvin Patrimonio na tatakbo naman bilang Mayor ng Cainta. 

“We consider these dedicated public servants as assets of Lakas-CMD. Their decision to join the party is not just a proof of their confidence in us but also of the party’s clean and efficient record of public service,” saad ni House Majority Leader Martin Romualdez. 

Maraming artista pa ang tatakbo sa ilalim ng Lakas-CMD gaya nina Claudine Barretto, Nash Aguas, Ejay Falcon, Javi Benitez, Angelu de Leon, at Bobby Andrews.

Bumida si Arci sa iba’t-ibang proyekto ng ABS-CBN gaya ng Pasion de Amor, Magpahanggang Wakas, Ikaw Lang Ang Iibigin, Pamilya Ko, at Walang Hanggang Paalam.

Taong 2015 nang lumipat si Arci sa Kapamilya network. Siya ay bahagi ng Star Magic