• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinili ni Tekla na huwag magsampa ng complaint laban sa saleslady na nag-akusa sa kanya.

Tekla, naglabas ng saloobin pagkatapos mapagkamalang shoplifter sa isang convenience store

Pinili ni Tekla na huwag magsampa ng complaint laban sa saleslady na nag-akusa sa kanya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/19/2021 08:05 PM
Tekla, naglabas ng saloobin pagkatapos mapagkamalang shoplifter sa isang convenience store

Patatawarin mo ba ang taong inakusahan kang shoplifter at ipinahiya ka pa sa harap ng maraming tao?

Ganito ang na-experience ng komedyanteng si Tekla (Romeo Librada in real life) nang bumili siya ng ilang items sa isang 24/7 convenience store sa Quezon City. Napagkamakalan kasi siyang shoplifter ng isang tauhan doon.

Ayon pa sa vlogger/comedian, napahiya siya sa nangyari dahil mismong sa harap ng ibang customers ng convenience store siya sinita at ipinahiya. Ayon pa sa tinawag niyang sales lady, pinagbintangan siyang palihim na kumuha ng ilang produkto ng convenience store.


Tekla nagkipagbalikan nga ba sa dating live-in partner?

Pansamantala rin daw siyang na-detain at hindi kaagad pinalabas ng store. Kinailangan din daw siyang kapkapan para masigurado kung ano ang item na hindi niya binayaran.

“HINARANG AKO NG SALES LADY AFTER KO MABAYARAN YUNG BINILI KO. MAY KINUHA DAW AKUNG ITEM,” as is na post ni Tekla sa kanyang FB na naka-all caps.

“SABI KO, ‘ARE YOU SURE? ATE, NAPAHIYA AKO, DAMING TAO.’ SABI NYA KAPKAPAN DAW AKO. THEN SABI [KO], ‘GO AHEAD.’”

Pagkatapos kapkapan ay wala naman daw nakuhang items sa kanya na hindi bayad.

“WALANG NAKITA SA AKIN. PINA CHECK KO ANG RESIBO KO, KUMPLETO BAYAD AT YUNG BINILI KO,” sabi pa ni Tekla.

Natanggal lang daw ang pagdududa sa kanya ng staff ng convenience store nang tanggalin na ni Tekla ang suot na face mask.

“BINABA KO YUNG MASK KO. NA RECOGNIZE NIYA AKO SI TEKLA. ‘ATE, KINAPKAPAN AT PINAGBINTANGAN MO AKO, ATE, TAPOS NGAYON IIYAK KA AT NAGSOSORRY DAHIL NAGKAMALI KA [?] GANUN LANG KADALI YUN [?]’” tanong niya sa staff.

“SABI KO SA KANYA, ‘ANG SWERTE MO, ATE, MABAIT AT MAUNAWAIN AKO. KUNG SA IBA YUN MAY PAGLALAGYAN KA.’

“‘CGE ATE PALALAGPASIN KO ITO. SWERTE MO SAKIN KA NATAPAT. KUNG SA IBA BAKA NATANGGAL KA NA,” giit pa ng komedyante.

https://push.abs-cbn.com/2020/10/30/fresh-scoops/tekla-pinatawad-na-ang-dating-live-in-partner-nak-189338

Sana raw ay maging aral ang nangyari sa kanya para sa ibang tao na madali agad manghusga base sa pisikal na itsura ng isang tao.

“LESSON LEARNED, ’WAG MANGHUSGA SA PANLABAS NA ANYO. SIGURADUHIN MONG TAMA ANG GINAGAWA MO,” mensahe niya.

“IMBES NA MAGALIT AKO AWA NANAIG SA PUSO KO DI BIRO YUNG PAGBINTANGAN KA MANANAKAW. PERO SABI KO KUNG SUSUNDIN KO ANG GALIT KO TANGGAL SYA SA WORK. INISIP KO NALNG YUNG GOOD SIDE.

“SABI KO SA INYO IN REAL LIFE NAPAGBIBINTANGAN AKO AYUN ABOT LANGIT PASALAMAT NI ATE. INISIP KO RIN MARAMING UMAASA SA KANYA.

“MAS MAINAM ANG MAGPATAWAD AT UNAWA MINSAN SA SITWASYON. SHARE KO LNG SA INYO. KAKATAWA PERO SAD REALITY,” huling bahagi ng emote ni Tekla sa FB.