• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Robi Domingo ang sagutin ang paratang ng ilang MayWard fans na ginagamit lamang niya umano si Maymay Entrata.

Robi Domingo, may sagot sa paratang na ginagamit lang niya si Maymay Entrata

Hindi napigilan ni Robi Domingo ang sagutin ang paratang ng ilang MayWard fans na ginagamit lamang niya umano si Maymay Entrata.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/19/2021 10:21 AM
Robi Domingo, may sagot sa paratang na ginagamit lang niya si Maymay Entrata
Photo credit to @maymay and @iamrobidomingo Instagram

Hindi napigilan ni Robi Domingo ang sagutin ang paratang ng ilang MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber) fans na umano ay ginagamit lamang niya si Maymay Entrata.

Sa Twitter, nagbahagi si Robi ng screenshot ng mensahe mula sa isang MayWard fan kung saan sinabi nito na marami ang naaasar sa TV host dahil tila ginagamit lang nito si Maymay.

Bukod pa rito, marami ring fans ang nagagalit dahil tila boto umano si Robi kay Donny Pangilinan para kay Maymay.


Ayon sa netizen, dapat ay respetuhin ni Robi ang feelings ni Edward Barber, na siyang longtime onscreen partner ng aktres.

 

 

"Naaasar na sa ‘yo sir iba[ng] Mayward kasi ginagamit mo lang daw si mm (Maymay) tapos boto ka kay Donny kaya [nagdedelusyon] mga iba fans ni mm at nagkaron ng maydon..dapat respect mo naman feeling ni Edward..Salamat," sabi ng fan.

Sa kanyang naging sagot, idiniin ni Robi na walang namamagitan kina Maymay at Donny kundi pagkakaibigan.

Sinabi rin niya na itinuturing niya bilang matalik na kaibigan si Edward.

"Please respect that," aniya.

"If you guys think that way, then we can always end it anytime. I don't tolerate toxic people," dagdag niya.

Magkatrabaho ngayon sina Robi at Maymay bilang hosts ng online talk show na Call Me MayBi.

Ang TV host mismo ang nagpo-produce ng nasabing show, na napapanood sa Kumu tuwing Biyernes ng gabi.

Ayon kay Robi, kung magpapatuloy ang bashing mula sa MayWard fans ay handa siyang tapusin ang Call Me MayBi.

"If you continue to act this way, I will stop producing the show," aniya. "The very reason why I made this is I see potential in Maymay and I value inclusivity. If you don't see these, then I am a failure and I shall stop."

Sa kanya ring post, idiniin ni Robi na mahalaga para sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

"I've had enough. This has to stop. I value my friends," aniya.

Hindi rin umano siyang nangto-tolerate ng mga "toxic" na tao.

"I care about my friends. I don't tolerate toxic people," sabi niya.

Matatandaan na bago nito ay nilinaw na ni Maymay na walang espesyal na namamagitan sa kanila ni Donny.

"Gusto kong mag pasalamat sa bawat isa sa mga sumuporta sakin since day one. Sa lahat ng MayDon fans thank you pero gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan saaming dalawa. Sana ma stop po ang pag spread ng rumors about sa amin. Maraming salamat po," ani Maymay.

BASAHIN: Maymay Entrata, may pakiusap sa ‘MayDon’ fans

Dati na ring nilinaw ng aktres na hindi sila magkarelasyon ni Edward, na kanyang love team partner nang maraming tao.

"Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man...Wala po kahit sino sa showbiz, wala," aniya.

Ayon kay Maymay, hindi parte ng show business ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

"Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz," aniya.