• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago sa isang bakasyon.

TINGNAN: Piolo Pascual at Shaina Magdayao nagbakasyon kasama sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago

Kasama nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago sa isang bakasyon.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/19/2021 09:19 AM
TINGNAN: Piolo Pascual at Shaina Magdayao nagbakasyon kasama sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago
Photo credit to @shailo2012 Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga litrato nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao kung saan makikitang sweet ang dalawa sa isa’t-isa. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @shailo2012


 

Sa mga nasabing litrato na kuha mula sa kanilang bakasyon, makikitang magkahawak ang kamay at ang isa naman magkayakap ang dalawa. Meron pang niyayakap ni Piolo si Shaina habang nakaupo ang aktor sa isang pool table. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @shailo2012

 

Maliban dito, mayroon din silang mga litrato kung saan makikitang nakahiga si Piolo sa hita ni Shaina.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @shailo2012

 

Samantala, may mangilan-ngilan ding kuha kung saan makikitang kasama nina Piolo at Shaina ang magkasintahan na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.  

Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon nang malantad naman ang relasyon nina Jodi at Raymart. 

READ: Jodi Sta Maria at Raymart Santiago, nakuhanan ng litrato kasama ang ilang kaibigan

Hindi kailanman kinumpirma nina Piolo at Shaina ang kanilang relasyon ngunit naging maugong ang kanilang pagsasama noon pa man. 

Bagama’t sinabi na ni Piolo noong 2017 na exclusively dating sila ni Shaina sa isang panayam, sinabi naman ng aktres na hindi pa siya handa lagyan ito ng label. 

READ: Shaina Magdayao says Piolo Pascual is her “constant”

Taong 2018 naman ng kumpirmahin ni Piolo sa Tonight with Boy Abunda na walong taon na ang relasyon nila ni Shaina ngunit binawi niya rin ito makalipas lamang ang tatlong buwan.