• Home
  • Fresh Scoops
  • Malapit nang ilabas ang inaabangang ABS-CBN Christmas Station ID para ngayong taon.

PANOORIN: Teaser para sa inaabangang 2021 ABS-CBN Christmas ID, inilabas na

Malapit nang ilabas ang inaabangang ABS-CBN Christmas Station ID para ngayong taon.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/19/2021 09:39 AM
PANOORIN: Teaser para sa inaabangang 2021 ABS-CBN Christmas ID, inilabas na

Maraming netizens ang na-excite nang ilabas ng ABS-CBN ang teaser para sa inaabangang 2021 Christmas Station ID na “Andito Tayo Para Sa Isa’t-Isa.”

Sa nasabing video na aabot ng 15 segundo ang haba, makikita ang kulay ng Kapamilya network na pula, luntian, at pula.

Maririnig din ang kanta kung saan inawit ang mga liriko na siya ding pamagat ng kanta na “Andito Kami Para Sa ’Yo.” 


Panoorin ang video sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ABS-CBN (@abscbn)

 

Sa ngayon, hindi pa inaanunsyo kung sino ang mga mang-aawit na bahagi ng ABS-CBN Christmas Station ID ngayong taon ngunit maraming netizens na ang nagbigay ng kani-kanilang mga hula.

Tingnan ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizen sa ibaba: 

 

 

 

 

 

 

 

Nitong Mayo, inilunsad ng ABS-CBN ang “Andito Kami Para Sa’Yo” para sa unang anibersaryo mula nang huling umere ang Kapamilya channel sa free-to-air broadcast.

Samantala, inilabas naman ng ABS-CBN ang “Andito Kami Dahil Sa Inyo” sa paggunita ng unang taon mula nang pagkaitan ng Kongreso ang ABS-CBN ng prangkisa nito noong Hulyo.

READ: ABS-CBN releases teaser of much-awaited Christmas station ID 2020

Noong nakaraang taon, marami ang naantig nang inilabas ng ABS-CBN ang “Liwanag at Ligaya” dahil sa katatagan na ipinakita ng Kapamilya network at pagsusumikap na makapaglabas ng dekalidad na Christmas ID sa kabila ng mga pinagdaanan nito.