• Home
  • Fresh Scoops
  • Kamakailan lamang inamin ni Jennica Garcia na nag-uusap sila ni Alwyn Uytingco para maayos ang kanilang relasyon.

Alwyn Uytingco nagpasalamat sa ‘second chance’ na ibinigay ni Jennica Garcia

Kamakailan lamang inamin ni Jennica Garcia na nag-uusap sila ni Alwyn Uytingco para maayos ang kanilang relasyon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/19/2021 06:20 PM
Alwyn Uytingco nagpasalamat sa ‘second chance’ na ibinigay ni Jennica Garcia
Photo credit @alwynzky Instagram

Masayang ibinahagi sa social media ng aktor na si Alwyn Uytingco ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon tungkol sa posibilidad na malapit na silang magkabalikan ng dating misis na si Jennica Garcia. Nangako rin ang aktor na gagawin niya ang lahat para maging karapat-dapat  sa “second chance” na ibinigay sa kanya ni Jennica.

“Habibi, When God gives you something you don’t deserve, that’s what He calls grace. I have to admit, I don’t deserve my family. I don’t deserve a second chance.

“Please don’t get me wrong, I will do everything for another chance in this life. And I will fight the good fight to retake my family,” pangako ng aktor sa asawa.


“Yet I realize that it's impossible to achieve if I rely on my strength alone. Without God and His guidance, His grace, I am with no purpose. And without my wife’s boundless patience and love, I will be lifeless,” dagdag pa ni Alwyn.

START FRESH: Jennica Garcia binibenta ang mga gamit sa bahay na naipundar nila ni Alwyn Uytingco

Pinasalamatan din ng aktor ang misis sa hindi agad nito pagbitaw at pagsuko sa kanya sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan at sa pagbibigay ng panibagong pagkakataon na mabuo ulit ang kanilang pamilya.

“Thank you, mahal, for not quitting on me. Thank you for letting me continue this life we started together,” mensahe niya sa asawa.

“Thank you for giving me a wonderful gift of ‘second chance’, and one that I don’t deserve at all. ‘Just because the past is painful doesn’t mean the future will be.’ I will always be your Habibi. Till death do us part. I love you,” sweet pang pahayag ng dating Kapamilya actor.

Sa naunang article sa PUSH, naikuwento ang tungkol sa naging gesture ni Jennica na makipag-usap kay Alwyn para ayusin ang kanilang marriage.

Jennica Garcia nakipag-usap kay Alwyn Uytingco para ayusin ang kanilang marriage

 “Alwyn and I are working on our marriage. We are looking to the Lord for a breakthrough,” sabi pa ni Jennica na hindi na nagdetalye kung ano ang kanilang pinag-usapan.

Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February 2014 at nagkaroon ng dalawang babaeng anak.  Napabalita namang naghiwalay ang dalawa noong March 2021.