• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakiusap si Aljur Abrenica sa dating asawa na si Kylie Padilla na sabihin ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.

Aljur Abrenica, binasag ang katahimikan; sinabing si Kylie Padilla ang unang nangaliwa

Nakiusap si Aljur Abrenica sa dating asawa na si Kylie Padilla na sabihin ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/19/2021 08:07 PM
Aljur Abrenica, binasag ang katahimikan; sinabing si Kylie Padilla ang unang nangaliwa
Photo credits: @kylienicolepadilla & @ajabrenica on Instagram

Nagsalita na si Aljur Abrenica kaugnay sa umano’y totoong dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Kylie Padilla.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Aljur na si Kylie ang unang nanloko sa kanila at sinabing nangaliwa ito.


“Kylie please tell them the truth. Don’t hide and disguise your comments, statement for your self-gain. Tell them who cheated first. Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserve to know,” ani Aljur. 

READ: Kylie Padilla pens uplifting message following split with Aljur Abrenica: ‘Life is about growth’

Ani Aljur, hindi siya naaapektuhan sa mga binabato sa kanya ng mga tao kabilang na ang mga atake at pang-aakusa sa kanya. 

“I have no hate for them despite of all the attacks and accusation they have towards me. I do appreciate their reactions because I know it comes from their genuine morality and support towards our family. So they also deserve to know the truth,” saad ni Aljur. 

Humingi naman ng paumanhin si Aljur dahil sa pagbali ng kanilang kasunduan na hindi magsalita sa publiko sa kabila ng naunang pahayag umano ng ama ni Kylie na si Robin Padilla. 

READ: Robin Padilla on Kylie Padilla-Aljur Abrenica split: ‘Ano’ng credibility ko?’

“I am sorry for asking these questions and for breaking our agreement of not speaking to the public. When your dad (Robin) opened to the public his one-sided story. I maintained my silence because of our agreement. But now that people who support us still throw accusations and reading [your] statements it breaks my heart that you can sit still despite the truth,” ani Aljur. 

READ: AJ Raval denies being the third party in Aljur Abrenica-Kylie Padilla split

Nakiusap naman si Aljur kay Kylie na magsalita na tungkol sa totoong nangayri at aminin hindi lang sa publiko kundi sa kanyang ama din para na rin sa kanilang mga anak.

“Tell them who cheated first. Tell them who are you with right now. Have the courage to settle this. Tell your dad the truth. If not for them. do it for our children. After so many years will you allow our children let them believe this story that you and dad left for me? At first, it was fair for me, to take all the blame. Is it also fine with you guys to let the innocent be attacked with false accusations?” ani pa nito. 

READ: ‘No issue’: Kylie Padilla reacts to rumors linking Aljur Abrenica to AJ Raval

Nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang natanggap na batikos ni Aljur matapos kumalat ang mga litrato na magkasama sila ng aktres ni AJ Raval. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Hulyo nitong taon nang magsalita si Kylie tungkol sa kanilang hiwalayan. Samantala, sinabi naman ni AJ na hindi totoo ang mga kumakalat na tsismis na siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.