• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsimula nang magtanim si Neri Naig ng mga halamang namumunga ng prutas para sa kanyang ‘dream farm.’

TINGNAN: Neri Naig, dahan-dahan nang natutupad ang kanyang ‘dream farm’

Nagsimula nang magtanim si Neri Naig ng mga halamang namumunga ng prutas para sa kanyang ‘dream farm.’

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/18/2021 10:59 AM
TINGNAN: Neri Naig, dahan-dahan nang natutupad ang kanyang ‘dream farm’
Photo credit to @mrsnerimiranda Instagram

Ipinasilip ni Neri Miranda ang kanyang malawak na lupain kung saan niya sinimulang magtanim ng mga fruit-bearing trees o mga punong namumunga ng prutas. 

 

 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng misis ni Chito Miranda na nagsimula na ang kanyang pagtatanim ng puno para sa farm nila ng kanyang asawa sa Alfonso, Cavite na tinawag nilang Miranda Farm. 

Ani Neri, iba’t-ibang puno na namumunga ng prutas ang kanilang naisipang itanim gaya ng mangga, saging, lansones, rambutan, kalamansi, mangosteen, avocado, santol, langka, duhat, lemon, bayabas, papaya, siniguelas, longgan, chico, pomelo, dragon fruit, at atis.

READ: Isang glass house, regalo ni Neri Naig para sa kanyang sarili

Nagtanim din sila ng iba pang mga halaman gaya ng sili, kasoy, kamias, at tamarind. 

Dagdag pa ni Neri, pinagpaplanuhan na rin niya ang paggawa ng vegetable garden kung saan plano niyang magtanim ng mga herbs at strawberries. 

“Tapos sa gitna magpapagawa ako ng pergola then may mahabang lamesa para pwedeng magpicnic. Masarap mag ihaw ihaw dun!” ani pa ni Neri. 

Maliban pa dito, magpapagawa din siya ng grape garden o ubasan kung saan magtatanim siya ng mga ubas galing pang Pangasinan. 

 

 

“May gagawa na rin ng grape garden. 50-100 sq.m. ang papagawa ko para sa red cardinal grapes na rooted cutting from Pangasinan,” saad ni Neri. 

Lubos naman ang kagalakan ni Neri dahil unti-unti na umanong nagtutupad ang kanyang “dream farm.” 

“Nakaka excite kase dahan dahan na natutupad yung dream farm ko, hihi! Tapos farmhouse naman ang sunod na papagawa kapag may budget na ulit,” aniya. 

READ: Neri Naig Miranda shares her big plans for 2021: ‘Dapat focus lang sa goal’

Inaasahan naman ni Neri na magsisimula na silang mag-ani ng mga bunga mula sa mga punong itinanim nila sa loob lamang ng isang taon. 

“After a year, may mahaharvest na kami sa ibang mga tinanim. Luto-lutuan sa bakuran. Hopefully may fish pond na rin kami kung saan makakabingwit ang mga bata ng tilapia at yun ang iihaw namin, hihi,” ani Neri.