• Home
  • Fresh Scoops
  • Minsan na umanong na-intimidate ang batikang direktor na si Olivia Lamasan kay Christopher de Leon.

PANOORIN: Olivia Lamasan, natakot i-direk ang artistang ito

Minsan na umanong na-intimidate ang batikang direktor na si Olivia Lamasan kay Christopher de Leon.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/18/2021 09:32 AM
PANOORIN: Olivia Lamasan, natakot i-direk ang artistang ito
Screenshot from Toni Gonzaga Studio YouTube Channel

Bagama’t kilala siya bilang isa sa mga hinahangaan at batikang direktor sa bansa, inamin ni Olivia Lamasan na minsan na siyang natakot mag-direk ng artista. 

 

 

Sa panayam ng award-winning director kay Toni Gonzaga, sinabi ni Direk Olive na natakot siya noon na i-direk ang aktor na si Christopher de Leon o Boyet sa kanyang malalapit na kaibigan sa industriya. 

Ani Direk Olive na mas kilala sa tawag na Inang ng kanyang mga nakakatrabaho, nahirapan siyang sabihin kay Christopher kung ano mga dapat nitong gawin sa pelikulang Madrasta lalo pa’t kilala ito bilang isa sa mga premyadong artista sa bansa. 

Umabot pa umano ng 13 shots ang isang eksena na kinuhanan nila dahil hindi alam ng direktor.

“Meron siyang eksena with his son. Pero parang iniisip ko, paano mo ba imo-motivate at ididirek ang isang Christopher de Leon. It took us 13 takes. Finally, pumunta ako kay Boyet,” ani Olivia. 

READ: Olivia Lamasan reveals Toni Gonzaga gave her talent fee to retrenched employees of ABS-CBN, thanks host for her generosity

Dagdag pa niya: “’'Yet, how can I help?’ Sabi niya, 'Naku, Direk, ang tagal kong hinihintay na kausapin mo ako.' Sabi ko, ‘Sorry kasi sa totoo lang di ko alam paano ka ididirek.’” 

Inamin naman umano ni Direk Olive kay Christopher na na-intimidate siya sa kanya. 

“I shared with him na, 'I'm so intimidated with you. Can I direct you?' Sabi niya, 'Direk, hinihintay kita,’” aniya.

 

 

Inilabas ni Toni Gonzaga ang nasabing vlog sa mismong araw ng kaarawan ni Olivia Lamasan. 

Maliban sa Milan, kilala din si Olivia sa iba’t-ibang pelikula na kanyang nagawa gaya ng Barcelona: A Love Untold, Sana Maulit Muli, In the Name of Love, at Starting Over Again.

Si Olivia Lamasan din ang namumuno sa ABS-CBN Films.