• Home
  • Fresh Scoops
  • Laking gulat ni Bea Alonzo ng batiin siya ng kanyang dating boss sa mismong kaarawan niya.

PANOORIN: ABS-CBN boss Carlo Katigbak, sinorpresa si Bea Alonzo

Laking gulat ni Bea Alonzo ng batiin siya ng kanyang dating boss sa mismong kaarawan niya.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/18/2021 04:55 PM
PANOORIN: ABS-CBN boss Carlo Katigbak, sinorpresa si Bea Alonzo
Screenshot from Bea Alonzo YouTube Channel

Bagama’t lumipat na si Bea Alonzo ng network, pinatunayan ng ABS-CBN CEO na si Carlo Katigbak na Family Is Forever matapos nitong sorpresahin ang aktres sa kanyang kaarawan. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


 

Nitong Sabado, ika-16 ng Oktubre, inilabas ni Bea ang isang vlog kung saan isa-isa siyang binati ng kanyang mga malalapit na kaibigan kabilang na ang ilan mula sa industriya ng showbiz. 

“So, my team decided to surprise me with videos from celebs and friends that I look up to and people that are close to my heart! Marami pa yan! Grabe lang ang mga tanong,” ani Bea. 

READ: After 19 years, Bea Alonzo leaves Star Magic

Isa sa mga nagtanong sa kanya ang big boss ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak. 

Ani Carlo: “You know, I've heard you sing twice—once with Anne [Curtis] in ABS and another time onstage during one of your birthday parties. And so, my question for you today is: will you sing for us on your birthday?”

Laking gulat naman ni Bea nang makita ang kanyang dating boss na inamin niyang miss na niya ka-inuman. 

“Sir Carlo! I love you. Nami-miss ko kayo ka-inuman. ‘Yung huli kong birthday celebration, nandoon sila hanggang almost end ng party and I miss you so much. I miss singing with all of you. I miss singing with Anne on stage,” saad ni Bea. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Marami pang Kapamilya stars ang bumati kay Bea gaya nina Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, Enchong Dee, Ian Veneracion, Dimples Romana, at Angel Locsin. 

READ: ‘I am so excited’: Bea Alonzo elated over teaming up with Alden Richards for new movie

Naging tahanan ni Bea ang ABS-CBN ng halos dalawang dekada bago ito nagdesisyong umalis at lumipat ng network.