• Home
  • Fresh Scoops
  • Noong Mayo lang kinonpirma ni Jennica Garcia ang hiwalayan nila ni Alywn Uytingco.

Jennica Garcia nakipag-usap kay Alwyn Uytingco para ayusin ang kanilang marriage

Noong Mayo lang kinonpirma ni Jennica Garcia ang hiwalayan nila ni Alywn Uytingco.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/18/2021 11:25 AM
Jennica Garcia nakipag-usap kay Alwyn Uytingco para ayusin ang kanilang marriage
Photo credit to @alwynzky Instagram

Nag-uusap na ulit ang dating mag-asawa na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco. Ito ang inamin ng aktres sa isang virtual media conference. Kinausap daw niya ang estranged husband para ayusin ang kanilang marriage na posibleng mauwi sa reconciliation o pagbabalikan.

“Alwyn and I are working on our marriage,” pag-amin ni Jennica sa press. “We are looking to the Lord for a breakthrough,” dagdag pa niya.

READ: Jennica Garcia addresses netizen who assumed she got back together with Alwyn Uytingco


Hindi naman nagbigay ng detalye si Jennica kung ano ang kanilang mga napag-usapan ni Alwyn.

Aniya, “Kinakabahan kasi kami pag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan. As much as I’d like to say that I don’t really care what other people say, I think, in my entire life ito yung moment sa buhay ko na I’m not really at my best mental state.

“Kaya po I try to keep my answer short.  Pasensya na po kayo.”

Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February, 2014. Lumabas naman ang balitang naghiwalay ang dalawa noong March 2021 pagkatapos ng halos pitong taon nilang pagsasama. Mayroon silang dalawa anak na babae na sina Athena Mori at Alexis Severina.

READ: START FRESH: Jennica Garcia binibenta ang mga gamit sa bahay na naipundar nila ni Alwyn Uytingco

Matatandaang ibinenta ni Jennica ang kanilang mga gamit sa bahay nung panahong kailangan na niyang lumipat ng matitirhan kasama ang dalawang anak.

Pinalitan din ng aktres ang user name niyang  “Jennica Uytingco” sa Instagram account at ginawang  “Jennicagarciaph.”

 Hi Everybody! I need help. I wish to change my USERNAME and NAME here on Instagram but with every attempt, I am asked to contact support because my account is verified. When I send a support ticket, it won't get sent, error lumalabas.

“Would you know to which email/contact person/contact number I should reach out to regarding my concern? SALAMAT PO!” panawagan noon ni Jennica sa kanyang IG post.