• Home
  • Fresh Scoops
  • Maagang pamasko ang ibinahagi nina Coco Martin at Julia Montes para sa kanilang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ co-star.

Coco Martin at Julia Montes, pinasalamatan ni Rosanna Roces para sa maagang pamasko

Maagang pamasko ang ibinahagi nina Coco Martin at Julia Montes para sa kanilang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ co-star.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/18/2021 08:11 PM
Coco Martin at Julia Montes, pinasalamatan ni Rosanna Roces para sa maagang pamasko

Sa pamamagitan ng isang social media post, hindi napigilan ng aktres na si Rosanna Roces na ipagmalaki ang pagiging mabuting loob ng mga Kapamilya stars na sina Coco Martin at Julia Montes na nagbigay sa kaniya ng tila maagang pamaskong regalo.

Isang retrato kasama ang bagong oven na sorpresang regalo mula sa kanyang FPJ’s Ang Probinsyano co-stars ang inupload aktres sa kanyang Instagram account.

“Akala ko nagbibiro lang si Coco nung sinabi sa akin na, ‘Ibibili kita niyan, Mommy O.’ Nagulat ako pagdating ni Julia kanina, pinadala niya agad ito,” bahagi ng post ni Osang.


Ayon pa sa aktres, tila napa-aga aniya ang kaniyang Pasko dahil sa regalo.

“Ang aga ng Pasko ko hahahaha... Ansarap sa pakiramdam pag inaalam nila yung hilig mo tapos reregaluhan ka nila dahil alam nilang magagamit ito ng husto. Salamat,” sambit pa ng aktres sa post kung aaan special mention si Coco Martin at Julia Montes na sinundan pa ng: “Love ko kayong dalawa. I te-treasure ko ‘to ng husto.”

 

 

Sa series of social media posts ng aktres, makikita ang hilig ni Osang sa pagluluto na kaniyang dinadala sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

 

 

Sa ngayon, isa si Osang sa mga bahagi ng Kapamilya series na anim na taon na ngayon.

RELATED VIDEO: