• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Guimary: ‘Ako pangarap ko rin na magkaroon ng super serious na movie – yung may awayan, selosan, mistresses.’

‘Braless vlogger’ Sunshine Guimary gusto ring makilala bilang seryosong aktres

Sunshine Guimary: ‘Ako pangarap ko rin na magkaroon ng super serious na movie – yung may awayan, selosan, mistresses.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2021 02:55 PM
‘Braless vlogger’ Sunshine Guimary gusto ring makilala bilang seryosong aktres
Photo credit: @sunshine_guimary Instagram

Hindi pa rin makapaniwala ang tinaguriang “braless vlogger” ng Cebu na si Sunshine Guimary na pagkatapos siyang i-launch sa pelikulang Kaka ng Viva Films noong February 2021 ay naging sunud-sunod na ang kanyang projects.

Leading lady si Sunshine ni Andrew E sa Shoot! Shoot (Di Kita Pipigilan) at ngayon naman ay isa rin siya sa mga bida sa pelikulang House Tour ni Direk Roman Perez Jr. Parehong mapapanood sa Vivamax ang dalawang pelikula.

“Nasa point ako na feeling ko dati ang 2021 is hindi siya okey for me kasi nga pandemic at kasagsagan ng lockdown tapos no’n pa ako pumasok sa showbiz. But unexpectedly, hindi pa rin siya mag-sink in sa akin until now na after kong magawa yung Kaka this year and ilang months lang sunud-sunod na ang movies ko,” overwhelmed na pahayag ng sexy star sa digital presscon ng House Tour.


Patuloy niya, “So yon, nabaligtad yung mundo ko na, ‘Wow, posible pala.’ Sa ngayon ina-absorb ko pa siya unti-unti, ang lahat ng mga bagay-bagay.  Nasa stage ako ngayon na ina-absorb ko pa lahat.”

READ: Sunshine Guimary sinugod ng stalker sa bahay dahil sa house tour vlog: ‘Trauma ang nangyari sa akin’

Dahil nagsimula bilang sexy star, aminado si Sunshine na naka-tatak na sa kanyang image na every time may pelikula siyang gagawin ay kailangangan niyang magpakita ng skin. Pero umaaasa siya na balang araw ay makakawala rin sa ganitong image.

Aniya, “Mahirap yung feeling na alam mo ng naka-signature na sa ‘yo yung sexy, siyempre yon ang hahanapin sa ‘yo di ba? So the challenge for me, parang walang pelikula na hindi ako puwedeng hindi maghubad.

“Parang naging requirements na siya pag meron kang tatak na sexy profile, parang hindi na ikaw yon pag hindi mo kayang maghubad, ganyan.  And ako naman, siyempre, pinapanindigan ko yon at binibigay ko pa rin lahat kung ano ang kailangan sa akin.

“Kunyari, ang eksena is bed scene, so pag pinagawa sa karakter ang ganito, ‘Oh, take it off,’ eh, di sige take it off, walang maraming arte. Ganun lang siya kabilis.

“Pero siyempre, ako pangarap ko rin na magkaroon ng super serious na movie – yung may awayan, selosan, mistresses. Yung totoong banatan at yon ang isa sa pangarap kong gawin.

“Yon ang palagi kong pinagpe-pray, pero siyempre kung anong gusto ng mga big bosses natin sa Viva susunod pa rin naman ako. Pero yung pangarap ko sana mangyari din yon,” lahad pa ng sexy star.

READ: Sunshine Guimary addresses transgender woman rumors: ‘Tunay na babae ako’

Nakilala si Sunshine sa mga nag-viral na braless videos niya sa YouTube doing different activities. Ito ang naging stepping stone niya sa showbiz. Gusto na rin ba niyang i-delete ang mga sexy videos na yon lalo pa nga’t dream niyang maging serious actress someday?

Tugon niya, “Actually, naka-private na siya. Andon pa rin siya pero naka-private na siya. Maraming naka-private ngayon sa YouTube videos ko especially yung no bra kasi na-demonitize yung channel, wala nang income yung channel, magwa-one year na so sayang din.

“Yung house tour na content ko, monetize kasi yon. Hindi lahat ng video ko sa YouTube may pera, yung iba wala, yung iba meron.”

Anyway, kasama ni Sunshine sa House Tour na ipapalabas sa October 22 sina Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez at Diego Loyzaga.