• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ang Sarap Mong Patayin’ star Lassi talks about his bagging his first lead role in Vivamax’s newest digital film.

Lassy Marquez denies ‘selosan’ issue within Beks Battalion: ‘Masaya sila para sa akin’

‘Ang Sarap Mong Patayin’ star Lassi talks about his bagging his first lead role in Vivamax’s newest digital film.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/16/2021 11:03 AM
Lassy Marquez denies ‘selosan’ issue within Beks Battalion: ‘Masaya sila para sa akin’
Photo credit: @akosilassy and @mcmuah Instagram

After doing the Vivamax film Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso with his fellow Beks Battalion members Chad Kinis and MC Muah, comedian Lassy Marquez denied any issue of jealousy between them when he got cast in Darryl Yap’s psycho thriller film Ang Sarap Mong Patayin without his usual group.

“Sa Beks Battalion naman is walang selosan. Actually ganun kaming tatlo eh, like pag may isang may project sa amin, may magandang mangyayari, go, pinu-push namin ang bawat isa na bagay sa ‘yo yan, go lang, para sa ‘yo yan. Ganun kami as in. Suportahan kami sa Beks Battalion na wala talagang selosan. Like si Chad (Kinis) ngayon nag-shu-shoot. Kung ako man ay merong ganito, masaya sila para sa akin kasi kumbaga ang tagumpay ng isa, tagumpay na rin naming tatlo dahil grupo kami. So walang selosan talaga,” he said.

READ: Beks Battalion proud to be part of ‘Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso’: ‘It’s an honor talaga!’


When he first received the role of a guy who decides to catfish Kit Thompson in the film with some help from his best friend played by Ariella Arida, Lassy said he had reservations about doing a kissing scene with the beauty queen in one of the scenes. 

“Nung pagkakasabi sa movie na ito nung in-offer sa akin, ang reaction ko lang talaga yung kay Ariella lang eh yung kissing. Pero the rest wala na. Yung pagdating na lang namin sa location mismo, dun ko lang nalaman yung kuwento, kung ano mga mangyayari. Na-amaze ako sa mga mangyayari bawat scene talaga. Sabi ko, ‘Grabe pala, patindi ng patindi!’ Yung ganun. Sabi ko, ‘Kaya ko ‘to.’ Lagi kong iniisip na kaya ko ‘to. Panibagong yugto na naman ‘to pagdating sa acting or sa character. Bagong bago para sa akin ito. At naniniwala talaga ako sa gawa ni direk. Basta okay siya. Yun yung naramdaman ko,” he recalled.

READ: Lassy Marquez describes Kit Thompson’s private part as a ‘footlong’, admits taking advantage of the scene

Getting the chance to work again with director Darryl Yap was also a privilege for the Beks Battalion member.

“Napakagandang epekto talaga na makatrabaho si direk Darryl. Siyempre nakaka-excite din dahil kauna-unahang director ko din siya. Nung una kinakabahan na na-e-excite talaga, as in kabado talaga kasi alam naman natin na talagang sikat si direk sa social media, sa mga paggawa ng ga matatapang na mga short films and yung Vincentiments alam naman natin talagang matapang yung mga pinapalabas. So nakaka-excite, nakakakaba, at napakasarap na katrabaho ni direk dahil talagang ginuide niya kami sa mga gagawin namin. At saka first time ko rin talaga na gumawa ng ganitong klaseng movie with direk,” he shared.

READ: Lassy Marquez on catfishing: ‘Actually, dalawa ang nangyaring ganyan sa akin’

Just like his onscreen role, Lassy admitted he has had different experiences dating online and even getting catfished before he became famous.

“Yes nangyari na yan before pa nung hindi pa ako pumapasok sa pelikula. Nagkagulatan talaga kami ng kaibigan ko na siya pala yung ka-chat ko as in sa comedy bar pa talaga (laughs). Kausuhan pa nun. Kasi ginagawa ko yun pampaalis ng pagod. Kasi uso rin, ang daming nag-cha-chat, ang daming gumagamit ng mga apps before like mIRC, mga Yahoo messenger before na naka-webcam ka pa. Yung ganun.

“Ito lang ang pinaka-advice ko sa kanila, huwag masyado kasi marami din kasing hindi magagandang nanagyayari eh. Na yung makikipag-meet up ka na hindi mo kilala. Andiyan na pala yung hoholdapin ka hindi mo inaasahan. Nangyari na sa akin before yun natakot ako talaga. Diyos ko. May imi-meet ako, natakot ako kasi feeling ko holdap na talaga. Buti na lang talaga dun ako sa gasoline station. Tapos sinabihan ako ng kasama umalis ka na kasi baka may mangyari sa ‘yo na masama. So parang naawa siguro sa akin so yun.

“Kaya advice ko, okay lang makipag-chat, makipagkilala, makipagkaibigan, pero dapat maging matalino ka pa rin sa pakikipag-chat. Maging maingat ka pa rin kasi hindi mo alam ang kapahamakan talaga mangyayari’t mangyayari talaga any time eh. So ingat lang talaga. Kilalanin mo maigi yung tao at siyempre kahit kilala mo na, lalo mo pa siyang kilalanin. Walang masama sa pag-cha-chat,” he recalled.

Ang Sarap Mong Patayin is now available for streaming in Vivamax . Starring Lassy Marquez, Ariella Arida, and Kit Thompson. Directed by Darryl Yap.