• Home
  • Fresh Scoops
  • Bago pa man nagkaroon ng KathNiel, JaDine, at LizQuen ay una nang minahal ng marami ang tambalan ng mga 80s at 90s love teams na nagpakilig on-screen.

THROWBACK: Unforgettable love teams through the years Part 2 | Pushpins

Bago pa man nagkaroon ng KathNiel, JaDine, at LizQuen ay una nang minahal ng marami ang tambalan ng mga 80s at 90s love teams na nagpakilig on-screen.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/18/2021 11:25 AM
THROWBACK: Unforgettable love teams through the years Part 2 | Pushpins

Bago pa man nagkaroon ng KathNiel, JaDine, at LizQuen ay una nang minahal ng marami ang tambalan ng mga 80s at 90s love teams na nagpakilig on-screen.   

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang natutuwa at kinikilig sa tambalan ng mga love teams na ito kahit ilang dekada na ang nakalilipas.   

Sinu-sino sila?  


Let's find out.  

 

Jericho Rosales & Kristine Hermosa 

Marami ang sumubaybay, kinilig, at umiyak sa tambalang Jericho Rosales at Kristine Hermosa nang una silang mapanood sa hit series na Pangako Sa 'Yo noong 2000 na pinalabas din sa iba't ibang bansa. 

Naging real-life couple ang EchoTin habang magkasama sa isang project ngunit naghiwalay din taong 2002. 

Naging professional pa rin ang dalawa sa kanilang mga trabaho dahil nakagawa pa sila ng iba pang projects gaya ng Forevermore noong 2002, Sana'y Wala Nang Wakas at Ngayong Nandito Ka ng 2003. 

Muling nagkaroon ng reunion project ang tambalang EchoTin noong 2009 para sa seryeng Dahil May Isang Ikaw. 

 

Rico Yan and Claudine Barretto 

Minahal din ng publiko ang love team nina Rico Yan at Claudine Barretto na napanood sa 1996 film na Madrasta, F.L.A.M.E.S The Movie, at Mula Sa Puso noong 1997. 

Sa kanilang 1998 film na Dahil Mahal Na Mahal Kita na-develop ang kanilang pagtitinginan at kalaunan ay naging magkarelasyon. 

Muling nagkasama ang dalawa sa teleseryeng Saan Ka Man Naroroon noong 1999 na tumagal hanggang 2001. 

Ang romantic comedy film na Got 2 Believe ang huling pinagsamahang proyekto ng dalawa. Ilang linggo matapos itong i-release ay napabalita ang break-up nila. 

Bagama’t magda-dalawang dekada na magmula nang mawala si Rico ay lagi pa rin inaalala ni Claudine ang kanilang pinagsamahan, which she shares through her Instagram posts. 

READ: Claudine Barretto marks Rico Yan’s 46th birthday with a simple celebration

 

Carlo Aquino & Angelica Panganiban 

Sa teen-oriented series na G-Mik noong 1999 unang napanood bilang love team sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban. 

Nagkasama rin ang dalawa sa pelikulang Daddy O, Baby O noong 2000 at kalaunan ay naging real-life couple. 

Sa isang presscon noong 2018 ay inamin ng CarGel na dalawang beses naging sila sa loob ng anim na taon, but they officially parted ways in 2006. 

Makalipas ang higit isang dekada ay nagkaroon ng reunion sa big screen ang CarGel sa pelikulang Exes Baggage noong 2018 na nagpakilig at nagpaiyak sa marami. 

 

John Lloyd Cruz & Kaye Abad 

Iba't ibang proyekto ang pinagsamahan ng actors na sina John Lloyd Cruz at Kaye Abad ngunit pinaka-tumatak sa publiko ang kanilang tambalan sa Tabing Ilog. 

Halos limang taon din nagpakilig ang karakter nila bilang Eds at Rovic sa Tabing Ilog na nagsimula noong 1999 hanggang 2003. 

Naging real-life couple sina John Lloyd at Kaye, at sa isang interview ay inamin ni Kaye na ang aktor ang kanyang first love. Sa hiwalay na interview naman ay sinabi ni John Lloyd na he was once very much in love with Kaye. 

Matapos mapanood sa MMK noong 2000 ay muli silang nagkaroon ng reunion sa MMK episode na pinamagatang "Hat" noong 2015. 

 

Piolo Pascual & Judy Ann Santos 

Sa unang movie project nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos na Kahit Isang Saglit noong 2000 ay kita na agad ang chemistry ng dalawa. 

Dahil dito ay nasundan pa ito ng ilang kilig blockbuster films na Bakit 'Di Totohanin noong 2001, 'Till There Was You ng 2003, at Don't Give Up On Us noong 2006. 

Nagkasama rin sina Judy Ann at Piolo sa mga teleseryeng Sa Puso Ko Iingatan Ka at Sa Piling Mo

Sa magkahiwalay na interview ay sinabi ng dalawa na willing silang gumawa ng reunion project. 

Reminisce the kilig moments of these love teams and their projects in this episode of Pushpins.  

Miss niyo na rin ba ang mga tambalan na ito?