• Home
  • Fresh Scoops
  • Bago pa man nagkaroon ng KathNiel, JaDine, at LizQuen ay una nang minahal ng marami ang tambalan ng mga 80s at 90s love teams na nagpakilig on-screen.

THROWBACK: Unforgettable love teams through the years Part 1 | Pushpins

Bago pa man nagkaroon ng KathNiel, JaDine, at LizQuen ay una nang minahal ng marami ang tambalan ng mga 80s at 90s love teams na nagpakilig on-screen.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/15/2021 04:13 PM
THROWBACK: Unforgettable love teams through the years Part 1 | Pushpins

Bago pa man nagkaroon ng KathNiel, JaDine, at LizQuen ay una nang minahal ng marami ang tambalan ng mga 80s at 90s love teams na nagpakilig on-screen.  

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang natutuwa at kinikilig sa tambalan ng mga love teams na ito kahit ilang dekada na ang nakalilipas.  

Sinu-sino sila? 


Let's find out.

 

Aga Muhlach & Lea Salonga 

Unang nagkasama sina Aga Muhlach at Lea Salonga sa 1992 film na Bakit Labis Kitang Mahal na isang love triangle story kasama si Ariel Rivera. 

Lalong minahal ng publiko ang tambalang LeAga nang muli nilang pinakilig at pinaiyak ang marami sa 1995 classic film na Sana Maulit Muli

Sa isang love letter na isinulat ni Aga para sa coffee table book ni Lea na Lea Salonga Playlist, A Celebration of 35 years ay sinabi nitong ang singer ang kanyang TOTGA or “The One That Got Away.” 

Sa ilang interviews nina Lea at Aga ay sinabi ng dalawa na bukas sila sa paggawa ng reunion movie kapag may maganda ng kwento para sa kanilang dalawa. 

READ: Lea Salonga greets Aga Muhlach on his birthday

 

Gabby Concepcion & Sharon Cuneta 

Sa 1981 romance film na Dear Heart unang napanood sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na nagbukas ng mas marami pang proyekto para sa kanilang dalawa. 

Nagkasama rin ang dalawa sa iba pang movies gaya ng P.S. I Love You, My Only Love, at Pintig ng Puso

Matapos gumawa ng ilang movies ay ikinasal sina Gabby at Sharon noong September 1984 at nagkaroon ng isang anak na si KC Concepcion. 

Nauwi man sa hiwalayan ang kanilang kasal ay hindi pa rin nawala ang kilig na dala nina Sharon at Gabby na nagkasama sa isang commercial noong 2018. 

Sinabi rin ng dalawa na bukas sila sa posibilidad ng pagkakaroon ng on-screen reunion. 

READ: Sharon Cuneta handang makasama si Gabby Concepcion sa romantic movie bago mag-retire sa showbiz

 

Richard Gomez & Dawn Zulueta 

Unang minahal ng publiko ang tambalang CharDawn ng pakiligin nila ang marami sa hit 1991 movie na Hihintayin Kita sa Langit. 

Matapos magsama sa ilang pelikula ay naging magkarelasyon sa tunay na buhay sina Richard at Dawn, ngunit naghiwalay din matapos ang ilang taon. 

Matapos ang halos dalawang dekada ay kilig pa rin ang hatid ng CharDawn sa kanilang fans nang muli silang magkatrabaho sa teleseryeng Walang Hanggan noong 2012. 

Natuwa rin ang marami nang muli silang mapanood sa big screen noong 2014 para sa pelikulang She's Dating the Gangster at 2015 para sa The Love Affair kasama si Bea Alonzo.

 

Wowie De Guzman & Judy Ann Santos 

Isa rin sa mga successful love teams noong 90s ang tambalan nina Wowie De Guzman at Judy Ann Santos na unang nagkasama noong 1994 sa teleseryeng Mara Clara

Nagsunud-sunod ang proyekto ng dalawa gaya ng Esperanza, Paano Ang Puso Ko, Muling Ibalik ang Tamis ng Pag-Ibig at marami pang iba. 

Sa isang interview ni Judy Ann ay sinabi nitong umusbong ang pagtitinginan nila ni Wowie sa higit na limang taon na magkasama sila sa paggawa ng mga proyekto, ngunit naghiwalay ang kanilang tandem nang ipareha sila sa ibang mga artista. 

Nagkaroon ng reunion ang original cast ng Mara Clara noong 2016 na sina Judy Ann, Wowie, at Gladys Reyes. 

READ: Wowie De Guzman, napa-throwback sa nakaraan nila ni Judy Ann Santos

 

Marvin Agustin & Jolina Magdangal 

Minahal din ng marami ang tambalang Marvin Agustin at Jolina Magdangal na nagsimula noong 90s hanggang early 2000s. 

Marami rin ang pinagsamahang proyekto ng dalawa gaya ng F.L.A.M.E.S The Movie, Hey Babe, Kung Ayaw Mo, Huwag Mo, at Gimik: The Reunion

At sino ba naman ang makakalimot sa kanilang hit romantic comedy film noong 1998 na Labs Kita…Okey Ka Lang? Naging relatable pa rin ang mga linya ni Jolina rito para sa mga na-friendzone magpahanggang ngayon.  

Samantala, binigyan naman ng treat nina Jolina at Marvin ang kanilang fans nang mapanood sila sa isang Instagram Live noong April 2020. 

READ: Marvin Agustin on being in a love team with Jolina Magdangal: ‘It was a privilege for me’

 

Reminisce these love teams’ blockbuster projects through the years in this episode of Pushpins.  

Miss niyo na rin ba ang mga tambalan na ito?