• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Tonyboy Cojuangco na nagustuhan umano niya si Gretchen Barretto dahil sa pagiging maganda nito.

Ginamit lang? Gretchen Barretto humirit sa rebelasyon ni Tonyboy Cojuangco

Sinabi ni Tonyboy Cojuangco na nagustuhan umano niya si Gretchen Barretto dahil sa pagiging maganda nito.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/15/2021 07:04 PM
Ginamit lang? Gretchen Barretto humirit sa rebelasyon ni Tonyboy Cojuangco
Photo credit @gretchenbarretto Instagram

May pabirong hirit si Gretchen Barretto sa kanyang partner na si Tonyboy Cojuangco. 

Hindi alintana ang pagiging bukas ni Gretchen sa personal niyang buhay lalo na sa relasyon niya sa kanyang partner na si TonyBoy.

 


 

Kaya naman nitong mga nakaraang araw, kinagiliwan ng mga netizens ang mga ipinost na video ni Gretchen sa kanyang Instagram account kung saan ibinahagi niya ang kanyang naging reaksiyon sa pahayag ni TonyBoy tungkol sa angkin nitong ganda.

Ani Gretchen, sinabi ni TonyBoy na ang dahilan kung bakit siya pinili nito ay dahil sa pagiging maganda niya. 

“He said, ‘Kaya ko naman sinamahan ‘yan ang ganda ganda niya.’ Eh paano kung hindi na ako maganda? Bingi na siya. Paano nga kung biglang hindi na ako maganda? Paano yan dada?” pagbabahagi ni Gretchen sa isang kaibigan.

Gretchen Barretto and Tonyboy Cojuangco mark 27 years of being together

Dahil sa rebelasyong ito, hindi napigilan ni Gretchen na maglabas ng kanyang saloobin ng pabiro at sinabing naramdaman niyang “ginamit” lamang umano siya matapos ang halos tatlong dekada nilang pagsasama. 

“So imagine that revelation after 27 1/2 years. Na-realize ko ginamit lang ako ng mamang ito,” aniya. 

“Can I finish? I really need a smart answer,” hirit naman ni TonyBoy. 

 

 

“Can I finish? I really need a smart answer, sabi niya. Okay, take your time. As long as it’s the answer that I want to hear,” sambit ni Gretchen. 

Sagot naman ni Tonyboy: “Pinakamaganda pa rin rin Gretchen. Mas maganda ka ngayon.”

Unica hija ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco, engaged na?

May isang anak sina Gretchen at Tonyboy, si Dominique, na kamakailan lamang ay na-engage sa kanyang longtime partner na si Michael Hearn.