• Home
  • Fresh Scoops
  • Ready na sa next chapter ng kaniyang life si Dominique Cojuangco.

Unica hija ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco, engaged na?

Ready na sa next chapter ng kaniyang life si Dominique Cojuangco.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/14/2021 04:26 PM
Unica hija ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco, engaged na?
Photo credit: @dominique Instagram

“For life.”

Simple pero punong-puno nang kahulugan ang bagong social media post ng nag-iisang anak ng aktres na si Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Dominique Cojuangco.

Sa bagong social media post ni Dominique makikita na suot nito ang isang diamond studded ring na may caption na “For life” kasama ang kaniyang long-time partner na si Michael Hearn.


Isang social media post rin ang ibinahagi ni Michael na kapareho ng uploaded photos ni Dominique. 

Sa isang meaningful caption ng post, tila inanunsyo na rin ng boyfriend ni Dominique na si Michael na sila ay engaged na.

“On the next chapter with @dominique,” sambit sa post ni Micheal.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Michael Hearn (@mj.hearn)

Si Dominique ay ang nag-iisang anak ni Gretchen Barretto at Businessman na si Tony Boy Cojuangco. 

Hindi man pinasok ang mundo ng show business, naging malapit si Dominique sa entertainment scene dahil na rin sa kaniyang ina na isa sa mga labis na minahal ng publiko.

Nagtapos ng Magna Cum Laude si Dominque sa Fashion Institute of Design and Merchandising (FIDM) in California.

Bukod pa dito, nagtapos rin ng fashion design si Dominique sa Istituto Marangoni in London.

Kasunod nito, nagdesisyon si Dominique na magbalik-Pinas at ilunsad ang kaniyang multi-brand skin care products sa “The Collective”.

Sa ngayon, wala pang formal na announcement kung kailan ang wedding date ni Dominique at Michael na inaabangan na ng kanilang followers at malalapit na kaibigan.