• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerald Napoles, nanghihinayang din sa nawawalang kita dahil sa pandemiya.

Jerald Napoles at Kim Molina, aminadong napa-praning tuwing sasalang sa swab test

Jerald Napoles, nanghihinayang din sa nawawalang kita dahil sa pandemiya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/14/2021 07:12 PM
Jerald Napoles at Kim Molina, aminadong napa-praning tuwing sasalang sa swab test
Photo credit @kimsmolina Instagram

Bagama’t nasanay na rin sa lock-in shootings dahil sa sunud-sunod na pelikulang ginawa during the pandemic, aminado sina Jerald Napoles at Kim Molina na kumakabog pa rin ang dibdib nila tuwing magsasagawa ng swab test bago magpunta sa set at pagkatapos umalis ng location.

“Unti-unting nasasanay pero ako hindi po ako nasasanay sa swab test, eh. Never akong nasanay sa swab,” pag-amin ni Jerald.

“Parang first time lagi,” sundot naman ni Kim.


Magkasama ang showbiz couple sa comedy-horror film na Sa Haba Ng Gabi na pang-Halloween offering ng Viva Films. The film is directed by Mike Livelo at mapapanood sa October 29 sa Vivamax.

READ: Kim Molina and Jerald Napoles share the good and the bad side of living together

Patuloy pang reaksyon ni Je sa swab test, “Pero wala po, eh, wala akong choice. Yon lang ang pinaka-nasanay ako kasi para sa akin, personally, ang tingin ko sa actors on the set, even the staff on the set, parang frontliners na kailangan pag salang namin kailangang mag-shoot kami whether we like it or not.

“Kailangang tapusin namin ang project para may mapanood yung tao. Tapos kaming mga artista lang po ang nagtatrabaho sa panahon ng pandemic ang kailangang magtanggal ng mask pag nagtatrabaho.

“So, bukod po sa mayroon kaming swab in at swab out, nasanay po akong mag ingat kung kailan magma-mask ka, kung kailan hindi magma-mask. May dadalhin na disinfectant kasi pag-swab in o swab out, pag nag-positive ka hindi ka makakauwi! Ang hassle ng idea.”

“Ako, personally, nami-miss ko yung dati – yung shoot ngayon, bukas makakapag-trabaho pa ako ng iba tapos the next day, shoot ulit. Hahaha! Siyempre, income po yun, eh,” may panghihinayang na sabi ng aktor.

Para din kay Jerald, hindi na mawawala sa sistema niya ang nakasanayang safety protocols kahit pa tapos na ang pandemya.

“Siguro, pagkatapos nitong pandemic sobrang mare-retain sa akin yon dahil nasanay na ako na naka-mask ako lagi kahit saan,” wika pa niya.

Ibinahagi rin ni Jerald na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kanyang kaba everytime na sasalang siya sa swab test. Hindi raw maiwasang mapraning siya dahil sa takot na baka mag-positibo ang resulta niya sa swab test.

“Siyempre, kasi pag nangyari yon tanggal ka sa produksyon. Eh, per project basis po kami.  Hindi naman kami kagaya nung iba na, ‘O, magpagaling ka ng two weeks, then pasok ka na.’  Ito, pag natanggal ka, abang ka na naman ng ilang buwan kung bibigyan ka ng trabaho.

“Sa exit swab naman po, kung sakaling mag-positive ka, yung kikitain mo gagastusin mo kasi magku-quarantine ka sa ibang bahay o sa iba para hindi ka makahawa. Maghintay ka ng result para hindi madala sa pamilya mo,” pahayag ng stage actor.

READ: Kim Molina and Jerald Napoles mark seventh anniversary with sweet diving photos

Sey naman ni Kim, “Saka po yung sinabi ni Je, somehow parang frontliners kaming actors—everyone involved actually, the production, the crew. Alam ko po na well, compared to our frontliners, we’re really very far kung ano talaga yung sacrifices nila.

“Yun na lang din ang motivation ko, for me kasi, like ako, my parents are OFW at hindi kami nagkikita, so my only way for them to see me ay pag napanood nila yung ginawa kong pelikula.  So, yun na lang din ang motivation ko na somehow we are less than 5% frontliners also.”

Samantala, bagama’t magkasama sa Sa Haba Ng Gabi ay hindi si Kim ang love interest ni Jerald sa pelikula. Ang comedy actress na si Candy Pangilinan na personal friend nilang magkasintahan, ang gaganap na girlfriend ng aktor sa movie.