• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasa PHP499,000 ang halaga ng biniling big bike ni Nadine Lustre.

Nadine Lustre, bumili ng motorsiklo na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon

Nasa PHP499,000 ang halaga ng biniling big bike ni Nadine Lustre.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/13/2021 10:39 AM
Nadine Lustre, bumili ng motorsiklo na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon
Photo Credit: @nadine Instagram and Naj Abdul #97 Facebook

Nitong mga nakaraang linggo, naging usap-usapan ng netizens ang ginawang pagbili ni Nadine Lustre ng mamahaling big bike na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


 

Tila pansin ng mga netizens na mas masaya na si Nadine sa kanyang piniling buhay ngayon lalo pa’t madalas na itong manatili sa isla ng Siargao.

Ngunit nitong nakaraang buwan, kumalat ang mga litrato ni Nadine na bumibili ng mamahaling motorsiklo sa branch ng Ducati sa Lungsod ng Quezon.

https://push.abs-cbn.com/2021/10/8/fresh-scoops/nadine-lustre-rumored-french-boyfriend-spotted-na-196226  

Ayon sa isang post, ang modelo ng kanyang biniling Ducati bike ay Scrambler Sixty2 na nagkakahalaga ng halos kalahating milyong piso. 

“Welcome to the Ducati family,” sey ng nagbahagi ng nasabing post. 

Bagama’t may kamahalan ito, hindi naman kailangang kuwestiyunin ang kalidad nito dahil isa ito sa mga pinakakilalang motorcycle brands sa buong mundo. 

May mangilan-ngilan namang tagahanga ng aktres na nagbahagi ng video kung saan makikitang nakasakay si Nadine sa kanyang motorsiklo. 

Marami namang fans ng aktres ang nagbigay ng kanilang mga nakakatuwang reaksiyon tungkol sa motorsiklo ni Nadine. 

Tingnan ang ilan sa naging reaction ng kanyang fans sa ibaba: 

 

 

 

 

Samantala, namataan kamakailan si Nadine Lustre sa opisina ng COMELEC sa Siargao.