• Home
  • Fresh Scoops
  • Trending ang pagbabalik ni Karen Davila bilang anchor ng ‘TV Patrol’.

PANOORIN: Pagbabalik ni Karen Davila sa ‘TV Patrol’, kinagiliwan ng netizens

Trending ang pagbabalik ni Karen Davila bilang anchor ng ‘TV Patrol’.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

10/12/2021 06:11 PM
PANOORIN: Pagbabalik ni Karen Davila sa ‘TV Patrol’, kinagiliwan ng netizens

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagbabalik ni Karen Davila bilang anchor ng TV Patrol nitong Lunes, ika-11 ng Oktubre.

Sa Twitter, nag-trending ang video ni Karen kung saan nakuhanang may lumipad na dahon sa kanyang mukha.

READ: Karen Davila reacts to memes of her viral interview with Lyca Gairanod


“MISS KAREN DAVILA SANA OKAY KA LANG,” saad ng netizen ng nagbahagi ng nasabing video.

Panoorin ang video sa ibaba: 

 

 

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 500,000 views ang nasabing video. Mayroon na rin itong mahigit 53,000 likes at 6,755 retweets.  

Samantala, may iba ding ginawang pang-TikTok ang video ni Karen. 

 

 

Marami ang nag-abang sa pagbabalik ni Karen Davila sa TV Patrol na naging tahanan niya mula 2004 hanggang 2010.

Mahigit isang dekada itong nawala sa TV Patrol ngunit ipinagpatuloy pa rin ang iba’t-ibang programa niya sa Kapamilya network gaya ng My Puhunan at iba pang programa sa ABS-CBN News Channel (ANC). Naging News Anchor din si Karen sa Bandila mula 2006 hanggang 2020.

Una nang sinabi ni Karen na hindi niya iiwan ang ABS-CBN at mananatili siyang isang Kapamilya sa gitna ng pinagdaanan nito. 

‘I am a Kapamilya’: Karen Davila denies network transfer, reiterates loyalty to ABS-CBN

"I am a Kapamilya and will stand by the company through its hardest time. Praying for better days ahead for all of us," ani Karen.