• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang indie actor na si Mygz Molino ang huling nakasama ni Mahal bago ito pumanaw noong Agosto 31 sa edad na 46 dahil sa digestive complications at COVID-19.

Mygz Molino, binisita ang puntod ni Mahal sa ika-40 araw ng kanyang pagpanaw

Ang indie actor na si Mygz Molino ang huling nakasama ni Mahal bago ito pumanaw noong Agosto 31 sa edad na 46 dahil sa digestive complications at COVID-19.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/12/2021 12:09 PM
Mygz Molino, binisita ang puntod ni Mahal sa ika-40 araw ng kanyang pagpanaw
Photo Credit: @mygz.molino Instagram

Bumisita ang indie actor na si Mygz Molino sa puntod ng komedyanteng si Mahal sa ika-40 na araw ng kanyang pagkamatay Linggo, Oktubre 10.

Sa Instagram Stories, isang retrato ang ibinahagi ni Mygz habang binibisita ang libingan ng kanyang yumaong kaibigan, na may caption na, "40 days mo na mahal. Maligayang paglalakbay."

Mygz Molino, binisita ang puntod ni Mahal sa ika-40 araw ng kanyang pagpanaw


Screenshot by FashionPulis

Si Mygz ang huling nakasama ni Mahal bago ito pumanaw noong Agosto 31 sa edad na 46 dahil sa digestive complications at COVID-19. 

Bago pa nagkasakit ay nakatira na si Mahal sa Batangas kasama si Mygz at ang pamilya nito.

Ayon sa kapatid ng komedyana na si Irene Tesorero, dati nang sinabi ni Mahal na magkaibigan lamang sila ni Mygz.

Ngunit aniya, naniniwala siyang nagkaroon ng espeyal na relasyon ang dalawa.

“Ang sabi niya (Mahal) sa akin, kaibigan," aniya. “Iba ‘yung definition sa kaniya ng kaibigan at boyfriend. Kagaya niyan, magkasama sila sa bahay, boyfriend niya na ‘yan."

Pero nang matanong kung ano sa tingin niya ang naging trato ni Mygz kay Mahal, sagot ni Irene: “Kaibigan, pero special na kaibigan.”

Dagdag ni Irene, na nakatira ngayon sa Cleveland, Ohio sa Amerika, naniniwala siyang minahal ni Mygz ang kanyang kapatid bilang kaibigan.

"Oo naman. Kung mapapansin mo naman 'yung pag-aalaga niya, okay naman eh. Kasi ‘yung ibang mga boyfriend ni Mahal, hindi ganiyan ang trato kay Mahal eh. Si Mygz, talagang binigyan niya ng special treatment si Mahal, kaya okay ako sa kaniya," aniya.

BASAHIN: Mygz Molino, idinetalye ang mga huling araw ni Mahal

Nang mahingan ng kanyang mensahe para sa aktor, nagpasalamat si Irene kay Mygz sa pag-aalaga at pagpapasaya nito kay Mahal.

“Sa huling dalawang taon ng buhay ni Mahal, napakasaya niya. Sana hindi ka maging stranger after nito, kasi ikaw nalang ‘yung huling memories ni Mahal sa amin. I bet ‘yung last day, last week niya sa iyo, marami kayong good memories," aniya.